But to be safe I think mas mabuti ng bybit and other p2p muna. Ive tried it too na and goods naman siya kabayan.
Bumalik rin akong Binance para sa staking purposes. So mga BNB ko andun pa din nakatambay.
Kabayan bakit sa Binance ka pa rin nag p2p while meron ka naman pa lang Bybit? Ibig sabihin ba mas mataas pa rin rates ng Binance sa p2p kumpara sa Bybit at ibang top exchanges?
Tingin ko rin mahihirapan SEC mablock ang app. Possible naman pero sana hindi na umabot dun. Sapat na siguro ang browser na blocked at pananakot nila dahil naman narin naman nag exit. Ang dapat gawin ng government ay pano tulungan na mas maging competitive at hindi gahaman ang mga meron license sa bansa dahil kahit walang Binance ay meron pa rin mga options na darating.
Parang nanakot lang ba ang SEC sa pamamagitang ng pagblocked sa website? well, parang ganun na nga, Dahil karamihan parin sa mga kababayan natin ay nakakapag-access sa binance apps, baka magdownload na muna ako ng binance apps sa mobile. Iba parin kasi talaga yung binance, gagamitin ko lang naman sa p2p sa ibang activity baka hindi na muna.
Pero tulad ng sinabi mo gumagamit ako ng bybit sa ngayon, pero most of the time ng p2p transaction ay sa Bitget ako nagsasagawa as of the moment at kung minsan naman ay sa bybit, overall parehas naman silang okay at walang problema para sa akin.
Ako share ko lang yung experienced ko, kamakailan lang madalas kung gamitin ang bybit, pero mga 2 weeks ago nagstart ako na gumamit ng Bitget, at nakita ko na mas magandang gamitin ang bitget kesa sa Bybit. In terms of P2p para sa akin lang naman mas nabibilisan ako sa bitget, at yung iba naman din kasi na merchant sa bybit andun din naman sa Bitget. Ang kaibahan lang kapag website yung gamit mo hindi mo makikita ang p2p, sa halip makikita mo ang p2p sa bitget apps nila.
Tapos mas kumpleto kasi ng indicators ang bitget kumpara sa Bybit, kaya mas nagustuhan ko yung bitget, ito ay sa experienced ko lang naman, though okay din naman yung p2p features ng bybit, and lastly na nagustuhan ko ay mas mataas yung limits amount ng bitget kumpara sa bybit in terms of withdrawal, yun lang.