Pages:
Author

Topic: Binance nagpahayag ng pag-asa na pwede parin silang mag-operate sa bansa natin - page 3. (Read 480 times)

sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Salamat sa update actually nag uninstall na nga ako ng binance ko kasi nga is may issue sila sa atin at pang safety na din ng funds, another thing is may nababalitaan ako na gusto na din nila push ang banning ng binance sa app like the google play store which is not quite sure dito pero i guess if gusto nila push through to, hopefully is ma fully submit na nila yung mga requirements para naman hindi na maging problema ng bawat isa sa atin dahil alam naman natin super convenience, ayoko din kasi mag coins eh.

Same here kabayan! Inuninstall ko yung binance app ko after mag transfer ng funds sa ibang wallet dahil ganyan din yung mga nababasa ko sa twitter na mawawala nadin daw ang application sa playstore/appstore, pero dahil dito sa balitang ibinahagi ni OP, mapapainstall na ako ulit. Isa din ako sa mga umaasa na babalik ang binance sa atin dahil trusted at subok na  exhanger na talaga natin ito. Sana lang talaga ay makapag comply na si binance para back to operation na ulit sila sa bansa natin, pwede sanang maextend yung palugit na ibinigay ng SEC sa kanila kung nagbibigay lang sila ng maayos na update before pero tapos na yun, ang mahalaga ay may ganitong balita tayong natanggap ngayon.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
Salamat sa update actually nag uninstall na nga ako ng binance ko kasi nga is may issue sila sa atin at pang safety na din ng funds, another thing is may nababalitaan ako na gusto na din nila push ang banning ng binance sa app like the google play store which is not quite sure dito pero i guess if gusto nila push through to, hopefully is ma fully submit na nila yung mga requirements para naman hindi na maging problema ng bawat isa sa atin dahil alam naman natin super convenience, ayoko din kasi mag coins eh.

Kocomment ko din sana to dito, pero na post mo na, so hindi na. Yung nga nababalitaan ko rin to nababasa ko sa mga social media, pero mga nakikita kong mga reply ng mga sumuporta sa binance na okay lang may APK naman daw. Kung gusto talaga iban ng SEC ang Binance ang sagot dyan ay tigil operasyon lang. Totally shutdown kumbaga which is malabong mangyari. Siguradaong madaming mag aapela. Sa sobrang dami ba naman ng supporter ng Binance.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
Nauna na makabalik ang Binance sa India. Hirap kasi sa Pilipinas kahit maliit na market dahil halos lahat ng opisyales mukhang pera. At sympre magbigay rin mga local exchanges na mala-basura ang serbisyo para di makapasok ang maganda at murang platform tulad ng Binance.

Anyways, ang only choice ng Binance talaga is mag acquire ng kumpanya na merong license. Meron naman ata mga inactive at di pa operating na kumpaya na meron license pero obviously dummies sila at mahal rin ang presyo dahil di na magbigay ang mga basurang opisyales ng bagong license.

           -   Ang ibig mong sabihin ang magiging chances ng Binance para makapag-operate legally ay dapat meron silang mabili na isang lokal exchange na hindi na active at wala din namang gaanong mga users na gumagamit at bilhin o bayaran nalang ng binance yung owner nun para magkaroon ng slot ang Binance dito sa bansa natin?

Tama ba itong pagkakaintindi ko? Kasi parang ganun yung pinaparating mo, yung lisensya nila ay para malipat sa binance, kumbaga parang yung prangkisa ang kinukuha ganun?
At sa tingin ko naman ay kayang-kaya naman gawan ito ng paraan ng Binance for sure in the end at medyo mahaba nga lang na proseso ito sa totoo lang.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
Nauna na makabalik ang Binance sa India. Hirap kasi sa Pilipinas kahit maliit na market dahil halos lahat ng opisyales mukhang pera. At sympre magbigay rin mga local exchanges na mala-basura ang serbisyo para di makapasok ang maganda at murang platform tulad ng Binance.

Anyways, ang only choice ng Binance talaga is mag acquire ng kumpanya na merong license. Meron naman ata mga inactive at di pa operating na kumpaya na meron license pero obviously dummies sila at mahal rin ang presyo dahil di na magbigay ang mga basurang opisyales ng bagong license.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Ayun sa wakas, nanbuhayan na ng pag-asa. May ginagawa rin naman pala talaga silang hakbang at pinagsisikapan na sumunod sa mga patakaran ng SEC at gawing maayos ang kanialng operasyon dito. Sana nga magtuloy-tuloy na ang magandang balitang ito at magkarooon ng positibong resulta. Hindi lang talaga sila naging open sa communication sa ganitong sitwasyon pero okay na rin at least may updates na sila ngayon. Bumabalik na ang tiwala ng mga users nito sa kanilang platform. Napakalaking tulong din naman kasi talaga ng mga services nila as atin dito sa mundo ng crypto.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
Ito na yung pinakahihintay ng karamihan, yung assurance na may balak ang Binance team na mag comply sa rules and regulation ng bansa natin. Nakakatuwa na mabuti nalang may plano sila na ayusin yung issue, ayan lang naman ang hinahanap ng karamihan para masiguro na hindi risky ang paggamit ng exchange nila. Okay to lalo na sa mga loyal users na alam naman nating marami sa Pinas lalo na ito ang madalas na tinuturo sa mga newbies. Salamat sa update kabayan.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Dapat lang talaga alagaan nila ang mga users dito sa Pilipinas, I mean sobrang daming mga users dito sa Pilipinas kung hindi ako nagkakamali isa tayo sa mga top countries na gumagamit ng Binance, so for sure kung mababanned man ang Binance dito sa bansa ay malaking kawalan din yun sa kanila, siguro dahil na rin talaga sa issues ng Binance doon kay CZ ay nagkaroon talaga sila ng malaking problema kaya hindi rin nila maasikaso itong SEC, pero dahil naglabas sila ng ganitong statement ay mukhang magiging okey naman ang lahat. Sana lang ay wag lang talaga maykatagaan sa regulation for sure usapang pera siguro ito kung magreregistered man sila sa SEC. Pero sa history naman ng Binance naalala ko pa dati binubukas talaga nila ang website nila sa ibang ibang bansa and nagcocomply naman sila kaya no problem naman siguro sa kanila ito dahil isa ang bansa naten sa maraming users nila. Sa dami ba naman ng gumagamit ng Binance dito sa bansa naten simula noong pumutok ang cryptocurrency, NFTs dito sa bansa naten marami talaga ang pumasok sa trading etc.

Ayoko na bumalik sa coins.ph dahil sa paulit ulit na KYC yearly.

Same ako jan kabayan  Grin, naalala ko nanaman tuloy yung naipit ko na funds dito dahil nalock ang account ko inipon ko pa naman yun dati from signature campaign, sana di ko nalang nilagay sa coins.ph.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS

 Ayoko na bumalik sa coins.ph dahil sa paulit ulit na KYC yearly.

Kinalimutan ko na ang coins.ph matagal na dahil mas maraming mga services na hindi kasing higpit nila. 



Magandang balita itong pagbibigay ng statement ng Binance dahil kahit paano ay nakakamoy tayo ng pag-asa na hindi sila matutuluyang mablock forever ng ating ISP.  Matagal na rin na nagbigay ng statement ang Binance na wiling silang gawin at isumite ang mga kinakailangan papeles para mabigyan sila ng lisensiya ng BSP at makapagoperate ng legal sa bansa.

Hindi ko lubos maisip ang pagsasara ng BSP sa pag issue ng mga VASP licenses ng matagal na panahon.  Posible kayang me niluluto silang sariling proyekto ng mga nakaupo or opisyales para sa mga crypto trading, or posible kayang nabayaran sila ng isa sa mga existing exchange dito sa Pinas.
hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
This is truly good news especially for both new and veteran cryptocurrency enthusiasts given na kilala na talaga ang Binance when it comes to security of an exchange. To be honest, I tried using GCash Crypto kaso namamahalan ako sa fees and they only offer simple services. Mostly, para siyang similar to coins.ph pero parang mas limited pa yung mga services na pwede magamit dito.

Bukod sa mataas ang transaction ay sobrang taas ng price spread kaya sobrang lugi ka kung magtra2de ka mismo sa gcrypto. Maganda lang yun gamitin para sa long term investment since need mo maghintsy na move yung price ng significant percentage para magka profit ka.

Bukod pa dun ay parang may KYC or limits ka lang na pwedeng ilagay na pera since sa mismong gcash ay may limit din kaya sobrang daming restrictions compared sa convenience na pinoprovide ng Binance. Super good news itl lalo na sa mga P2P users. Ayoko na bumalik sa coins.ph dahil sa paulit ulit na KYC yearly.
hero member
Activity: 2268
Merit: 789
This is truly good news especially for both new and veteran cryptocurrency enthusiasts given na kilala na talaga ang Binance when it comes to security of an exchange. To be honest, I tried using GCash Crypto kaso namamahalan ako sa fees and they only offer simple services. Mostly, para siyang similar to coins.ph pero parang mas limited pa yung mga services na pwede magamit dito.

With the recent news na mag ccomply na si Binance with all the regulations required by the SEC, then mukhang ito na ulit yung magiging exchange na gagamitin ko both for trading, selling, and transferring funds.

Sa panahon talaga ngayon, security ang pinakamahalaga kaya if naging successful yung pag pass ni Binance ng requirements and na-approve na to ng SEC, then lipatan and balikan na!
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
Salamat sa update actually nag uninstall na nga ako ng binance ko kasi nga is may issue sila sa atin at pang safety na din ng funds, another thing is may nababalitaan ako na gusto na din nila push ang banning ng binance sa app like the google play store which is not quite sure dito pero i guess if gusto nila push through to, hopefully is ma fully submit na nila yung mga requirements para naman hindi na maging problema ng bawat isa sa atin dahil alam naman natin super convenience, ayoko din kasi mag coins eh.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Kung tutuusin ay madali lang naman talaga kumuha ng VASP license, Ang problema lang tlaga sa Binance management ay lagi silang tumtakbo sa taxes liability kaya hindi sila nagpupursue sa license hanggang wala pang strict implementation ng restrictions sa service nila.
May point ka kabayan, pero ang problema tlga dito is yung mga aksyon ni BSP [nag impose kasi sila ng moratorium sa pag bigay ng mga required licenses, at may chance na maextend ang mga ito]:
  • Not sure kung anu ang pinaplano nila pero bawal pa silang kumuha ng EMI at VASP licenses hanggang December ng this year at September ng next year respectively.


So ibig sabihin next year pa pwedeng magresume ulit si binance dito sa bansa natin? pero nakapag-operate sila ng ilang taon dito sa bansa natin nung si CZ pa ang CEO diba?
Ibig sabihin merong ginawa na pakikipag-usap itong si CZ nung time na siya pa ang CEO ng Binance na maaring nagkaroon sila ng kasunduan nung dating chairman ng SEC na posibleng under the table na kahit walang requirements ay legal parin sila makapagoperate dito sa bansa natin?

Para kasing ganun ang ngyari na ginawa ni CZ, saka sa pagkakaalam ko ay konti nalang yung kailangan na icomply ni binance parang nasa stage 3 na ata ito tapos biglang naudlot na? So ibig sabihin din may humarang o nang-ipit sa binance kaya naudlot? well anyway, kahit anu pa man sa tingin ko naman magagawan yan ng paraan ng binance for sure dahil malaking exchange naman kasi talaga yan, tignan parin natin, at maganda paring balita yan.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
Kung tutuusin ay madali lang naman talaga kumuha ng VASP license, Ang problema lang tlaga sa Binance management ay lagi silang tumtakbo sa taxes liability kaya hindi sila nagpupursue sa license hanggang wala pang strict implementation ng restrictions sa service nila.
May point ka kabayan, pero ang problema tlga dito is yung mga aksyon ni BSP [nag impose kasi sila ng moratorium sa pag bigay ng mga required licenses, at may chance na maextend ang mga ito]:
  • Not sure kung anu ang pinaplano nila pero bawal pa silang kumuha ng EMI at VASP licenses hanggang December ng this year at September ng next year respectively.
hero member
Activity: 3024
Merit: 614
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Siguro'y na realize nila ang kahalagahan ng Asia nauna na dito ang bansang India kung saan nagbayad sila ng fine para makapag operate uli, alam ng SEC ang kahalagahan ng Binance sa ating bansa kasi sila ang exchange by choice ng marami sa ating mga kababayan sana wag nila paabutin ng matagal at sundin nila ang mga hinihinging requirement ng SEC para tuloy tuloy na makapag operate sila dito.

Hindi pa man gaanong malaking market meron ang Pilipinas kumpara sa India at Thailand pero malaki ang potential ng bansa natin sa hinaharap.
hero member
Activity: 1288
Merit: 564
Bitcoin makes the world go 🔃
Finally, Nagbigay na din sila ng official response since matagal na itong compliant issue nila noong si CZ pa ang CEO nila. Kung tutuusin ay madali lang naman talaga kumuha ng VASP license, Ang problema lang tlaga sa Binance management ay lagi silang tumtakbo sa taxes liability kaya hindi sila nagpupursue sa license hanggang wala pang strict implementation ng restrictions sa service nila.

Sana ay maayos agad nila ito bago pa humantong sa total ban kasama ang app since accessible pa dn nmn ang app. Buhay na buhay pa dn ang P2P kaya sobrang laki ng losses nila kung hindi nila maaasikaso agad itong license issue.

Salamat sa share kabayan!
hero member
Activity: 1904
Merit: 541
Magandang araw sa mga kababayan ko dito, mukhang magandang balita ito sa lahat ng mga nagtitiwala parin sa binance, dahil sa article na ito ay nagpahayag ng pag-asa ang binance sa ating mga lokal community dito sa ating bansa gagawin nila ang lahat para makacomply sa mga kailangan ng SEC natin dito. Basta huwag lang sana harangin o ipitin ng sec opisyales ang mga pagcomply ni binance.

At sinabi rin na isa lamang pansamantala sa ngayon, at lagi narin sila magbibigay ng update sa atin kung ano na yung lagay ng kanilang ginagawang pagcomply sang-ayon sa spokesperson nila sa korea, so isa itong magandang balita sa ating lahat. Wait lang tayo ng short period of time, then yung binance apps hindi pa mapapatanggal dahil gusto rin naman marinig muna ng google at apple yung side ng Binance. Good news ito para sa akin.

Quote

source: https://bitpinas.com/regulation/binance-responds-sec/
Pages:
Jump to: