Knowing na mostly automated ang fraud detection ng Facebook, mangyayari at mangyayari talaga ung may mga lumulusot na kalokohan. Mostly kailangan pa ng manual checking ng Facebook employees ung mga kalokohan na post bago mabura; and obviously it will take time knowing na sobrang laki ng Facebook. Just make sure to spend the few seconds to report.
For sure meron silang detection, ang siste itong magaling na mga kriminal na to eh itinatago ang tunay na intensyon sa umpisa kaya kahit anong galing ng algo ng Facebook hindi basta basta madedetect at malamang maraming lumulusot. And unless i report natin to, hindi ito tatanggalin nila. Kung gusto nating malinis ang crypto space, tulong tulong na lang talaga tayo mag mag report ng mga ganitong scam hindi lang sa Facebook pati na rin sa iba't ibang social media sites. Isipin na lang natin na parte tayo ng solusyon at hindi ng problema, at tayo at nakakatulong. And yes, sandali lang naman hindi aabot ng ilang minuto ang pag rereport na to.
Meron akong isang kaibigan na ganyan ang ginawa sa kanya, ibang lahi pa to, (pero d ko sure kung totoo nga o hindi), so sa una bobolahin ka at talagang mahihikayat ka kasi nga ang daming mga ang vouch na pinoy o ibang lahi, yung pinoy post pa yung perang kinita daw gamit ang coins.ph, hehehe, 6 figures, pero pag kakausapin mo ayaw naman sumagot. So muntik na yung kaibigan ko, sinabi ko na wag maglagay ng pera at tiyak scam yan. Ayun sumunod na lang at sinabihin ko na mag invest at bumili ng bitcoin at ilagak sa bitcoin. Tuwang tuwa ang loko kasi nga late 2019 to at bumili pa ng mura, hindi na ako sinabihan hehehe nagsarili ang loko nung bumagsak ang presyo dahil sa covid-19, Nag withdraw ng konti para pangbayad daw sa utang pero holder na rin ngayon kasi sabi ko tataas pa yan sa 2021, hehehe.