Pages:
Author

Topic: Bitcoin Code Scam - Sinira naman nila yung imahe ni Bitcoin sa Pinas!!!! - page 2. (Read 575 times)

sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Grabe na Pagpapalaganap ng Bitcoin Code na to sa facebook,halos every 5 posts merong isang adds para sa luring nila.

Kala ko nung una yong Bitcoin revolution malala na pero mas malupit pala to.

Andaming ginagamit na artista para lang magmukha silang legit?

Mahirap talagang pakiusapan ang ibang tao kapag tungkol sa pera ang pag-uusapan, may kakilala nga ako na kasali sa Forsage, kinausap ko siya na wag niya na ituloy kaso tinuloy niya pa din, may mga kaklase din kase siya na matagal na sa Forsage na nagwithdraw na ng around 4 or 5 digits ata, naisip ko baka marami ng narecruit kase nga Pyramiding yung Forsage, hindi ko nalang pinilit sarili ko na tumiwalag na siya dun. Ang malungkot na mangyayari dito is yung mga na recruit nila is sila ang hahabulin.
Mga early adopters ang makikinabang dyan,kasi kailangan paniwalain sila ng Forsage na legit sila at talagang may Kumukita,then pag marami na sila ma lure at sila mismong mga early adopters ay gagawa ng paraan para maghdagdag ng investment,Dun na biglang maglalaho yan at tiyak iyakan nanaman to.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Mahirap talagang pakiusapan ang ibang tao kapag tungkol sa pera ang pag-uusapan, may kakilala nga ako na kasali sa Forsage, kinausap ko siya na wag niya na ituloy kaso tinuloy niya pa din, may mga kaklase din kase siya na matagal na sa Forsage na nagwithdraw na ng around 4 or 5 digits ata, naisip ko baka marami ng narecruit kase nga Pyramiding yung Forsage, hindi ko nalang pinilit sarili ko na tumiwalag na siya dun. Ang malungkot na mangyayari dito is yung mga na recruit nila is sila ang hahabulin.
full member
Activity: 994
Merit: 103
Better to educate our families and friends about sa Bitcoin at cryptocurrencies para alam nila kung paano gumagana ang technology at para makaiwas narin sa mga mapagsamantala. Ganun ang ginagawa ko sa mga relatives or mga kaibigan ko na may bad impression sa Bitcoin, ineexplain ko ng maayos kasi naniniwala ako na wala ng pag-asa na mawala ang mga scams na yan gamit ang crypto in short nagiging cancer na sa lipunan.
Parehas tayo sir ganyan din ginagawa ko sa mga kapamilya, kaibigan at kakilala ko,  ako ung nagturo sa knila magbitcoin kaya pag may sinsalihan silang investment program tinatanong muna nila ako kung legit b o hindi. Pero sa ibang tao kahit sabhin mo an iscam tuloy pa rin sila sa pag invest
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Weird, kasi naka up parin yata ang website.



Mukhang ok naman yung website ang nakapagtataka lang eh mukhang may malicious redirect na nangyari dito.

So ang modus eh, Eat Bulaga interview kunwari + sikat na personalidad sa Pilipinas = Bitcoin Scam
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Better to educate our families and friends about sa Bitcoin at cryptocurrencies para alam nila kung paano gumagana ang technology at para makaiwas narin sa mga mapagsamantala. Ganun ang ginagawa ko sa mga relatives or mga kaibigan ko na may bad impression sa Bitcoin, ineexplain ko ng maayos kasi naniniwala ako na wala ng pag-asa na mawala ang mga scams na yan gamit ang crypto in short nagiging cancer na sa lipunan.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352

It's good na reported na yung website for being unsafe. Pero knowing how nefarious minds operate, magtatayo at magtatayo ng panibagong scam schemes ang mga ito at babaguhin lang ang pangalan for sure. Kaya kung maaari sana, wag nating pagsawaang ireport ang ganitong mga klaseng bagay dahil ito yung mga taong sisira sa pangalan ng cryptocurrency sa ating bansa at ang mga mapanlamang sa kapwa na walang inisip kundi sarili lang nila.

If possible, magkaroon sana ng collection of these names and their schemes dito sa ating local board para mareport natin ng mabilisan ang mga ganitong klase ng scam bago pa lumaganap at makapanloko ng maraming tao.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153

UPDATE: Buti nalang at nashutdown na ang website na ito:


'Di ko alam or should I say di gaanong popular yung tao and yung scheme na ginagawa niya (or di lang talaga ako pala nood ng TV? Cheesy), but then good catch, kasi hanggat pandemya, baka marami padin ang maloko nito lalo na't paiba iba tayo ng quarantine and madami padin ng jobless sa bansa. Buti nalang din at pinashutdown agad ang interview nito. Not to be confident, pero yun yung pinakamalaking mistake niya kasi pag iinitan na siya ng mga banks and financial department ng pilipinas.

I think hindi naman nagshutdown ang site but was tagged na malicious kaya nagkakaroon ng warning bago pumunta sa site.  And if ever na magsara man yan, hintay lang tayo ng ilang panahon, may uusbong nanaman na kaparehong tema ng pang-iiscam ang mga yan at siguradong the same owner din.  Para lang yang pump and dump scheme ng mga whales.  Rinse and repeat.  Hopefully, mamulat na sana ang mga tao sa mga ganitong kalakaran at iwasan nila ito.  Hangga't may mga taong nagiging greedy kasi, hindi mawawala ang ganitong mga scam activities.
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450

UPDATE: Buti nalang at nashutdown na ang website na ito:


'Di ko alam or should I say di gaanong popular yung tao and yung scheme na ginagawa niya (or di lang talaga ako pala nood ng TV? Cheesy), but then good catch, kasi hanggat pandemya, baka marami padin ang maloko nito lalo na't paiba iba tayo ng quarantine and madami padin ng jobless sa bansa. Buti nalang din at pinashutdown agad ang interview nito. Not to be confident, pero yun yung pinakamalaking mistake niya kasi pag iinitan na siya ng mga banks and financial department ng pilipinas.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Personally sa Facebook feed ko wala pa naman akong nakikitang negative comments regarding sa mga kaibigan ko or kahit sa mga komento ng tao sa isang public post tungkol aa Bitcoin. I don't know kung dahil na din sa group of friends ko o dahil na rin mga crypto related Philippime groups ang kasali ko pero lahat ng komento ng mga taong ito ay kayang hiwalayin ang scam at ang cryptocurrencies. Siguro depende na din talaga sa nakakasalamuha mo na tao sa social media kung ano ang magiging komento nila sa crypto.

Personally wala rin naman masyado sa FB friends ko. In fact, mas maraming interesado(pero hindi invested) sa bitcoin dahil puros techies friends ko. Pero ung nakikita kong tingin ng tao e scam ang bitcoin mostly sa mga Facebook pages and Facebook groups ko; specifically, investment-related groups mostly.
full member
Activity: 924
Merit: 221
Madami na talaga pangangailangan ng scammer kaya gumagawa na sila ng mga paraan para makakita ng pera ng mabilisan. Ang hindi ko lang maintindihan na malaki na nga ang pera na nascam nila hindi pa rin sila tumitigil. Bakit kaya? Ito ay ang mga tanong na nais kung maintindihan. Siguro kung may bisyo sila uu kailangan talaga malaking pera pero pag iniipon nila hindi sanay hindi na sila mang scam at iinvest na lang ang perang na scam nila. Kung sa bagay, tama nga naman ang mga sabi sabi na kung ang pera ay hindi pinaghirapan mas madali itong gastusin.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Wala n finish na, dumadami n ang may ayaw sa bitcoin. Lalo sa fb magpost k lng about sa crypto sasabhin nila ingat, scam wag papaloko, eh narinig lng naman nila sa ibang tao n hindi nagreresearch

To be fair, reasonable naman ung sinasabi nilang mag ingat dahil marami talagang scams. Though yea nadadamay nga ang Bitcoin dito dahil maraming may tingin sa Bitcoin e scam. Introduction ba naman kasi ng Bitcoin sa maraming tao e mga investment scams.

Personally sa Facebook feed ko wala pa naman akong nakikitang negative comments regarding sa mga kaibigan ko or kahit sa mga komento ng tao sa isang public post tungkol aa Bitcoin. I don't know kung dahil na din sa group of friends ko o dahil na rin mga crypto related Philippime groups ang kasali ko pero lahat ng komento ng mga taong ito ay kayang hiwalayin ang scam at ang cryptocurrencies. Siguro depende na din talaga sa nakakasalamuha mo na tao sa social media kung ano ang magiging komento nila sa crypto.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Wala n finish na, dumadami n ang may ayaw sa bitcoin. Lalo sa fb magpost k lng about sa crypto sasabhin nila ingat, scam wag papaloko, eh narinig lng naman nila sa ibang tao n hindi nagreresearch

To be fair, reasonable naman ung sinasabi nilang mag ingat dahil marami talagang scams. Though yea nadadamay nga ang Bitcoin dito dahil maraming may tingin sa Bitcoin e scam. Introduction ba naman kasi ng Bitcoin sa maraming tao e mga investment scams.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
Wala n finish na, dumadami n ang may ayaw sa bitcoin. Lalo sa fb magpost k lng about sa crypto sasabhin nila ingat, scam wag papaloko, eh narinig lng naman nila sa ibang tao n hindi nagreresearch
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Mukhang ito rin nga yong issue ni Sec. Dominguez at binago lang ang name instead of bitcoin revolution at naging bitcoin code na. Pareho kasi sila ng content. Isa pa, nung dineny ni Dominguez ang involvement nya sa any crypto trading investment.
 Nakakapagtaka na same talaga ang trick what I mean, yong dating involvement ni Dominguez sa bitcoin revolution na interview daw kuno sa eat bulaga ay pareho sa bitcoin code nya na my interview dn sa eat bulaga.
 Eto yong sa link na binigay ni OP bout bitcoin code;
 
 
Last week, he appeared on 'Eat Bulaga!' and announced a new “wealth loophole” which he says can transform anyone into a millionaire within 3-4 months. Dominguez urged everyone in the Philippines to jump on this amazing opportunity before the big banks shut it down for good.

 At ito sa bitcoin revolution
 
 
Dominguez was allegedly invited by “Eat Bulaga” host Vic Sotto “to share any tips he had on building wealth” with viewers.
 The news item, which appears to be fake,

 IFeeling ko, iisa lang naman yan. Iniba lang ang name. Be aware nalang mga kababayan. Never ever trust easy money scheme lalo na sa mga ganitong pakulo nila.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Hanggat hindi nauubusan ng mga biktima yan, hindi din sila titigil sa mga ganyang scam. Ang magagawa nalang natin ay i-mass report nalang ang mga ganyang website at panalangin na onti lang ang ma-scam nila. I think naman na ang mga dating biktima ay hindi na sila mag-titiwala sa mga gantong bagay.

To be honest, sooner or later naman mawawala na iyan kasi sobrang luma na ang kanilang ginagawa. As far as I know, hindi din sumisikat itong website na ito. Pero it also means nahahanap sila ng bagong paraan para maka scam.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
Apparently, hindi mauubusan ng tricks 'yang mga 'yan since marami pa rin ang somewhat clueless sa ganitong bagay. Believe me, after few days, weeks or months may mga mag-pa-pop up na mga related advertisements having the same schemes kagaya niyan. And actually, napa-search ako sa fb just to look how prevalent such issue here. And my query leads me to DOF warning, though the matter at hand has a different name, pero it is similar naman sa bitcoin code thingy na 'yan. So, please take some time to report 'yang case at mga lalabas pa soon na mga issues sa mga authorities though 'di man ma-wiped out at least mabawasan  Wink.

Here:
fb/DOFPH/
web/dof.gov.ph/
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Pare-parehas lang yung story na ginagamit nila, ang naiiba lang ay kung sino ang nag-iinterview, show, at yung so called nag invest. Pwedeng related itong Bitcoin code sa Bitcoin Revolution na dati na nating nakikita kasi nga dahil sa similarities ng mga fake articles para maka-attract ng biktima.

Wala pa naman akong nakikitang ganyan sa Facebook, at kahit subukan ko mag search ay wala akong nakikita. Pero kung paulit-ulit lang yung ginagamit nilang kwento, may maniniwala pa ba sa kanila? Maliban nalang yung mabilis mauto at hindi talaga nagreresearch. Wala naman kasi tayong magagawa sa patuloy na pagdami ng mga scammer, ang mainam nalang ay ireport at iaware ang mga tao sa paligid natin about dito.
full member
Activity: 938
Merit: 101
Nakakalungkot lng na isipan na ung nagbigay at nagpabago sa buhay ng marami sa atin dito sa forum ay nagkakaroon ng masamang imahe sa karamihan. Sa tingin ko magbabago din yan pag nalaman nila talaga ung gamit ng bitcoin.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Familiar akosa  Bitcoin revolution kasi pati mga sikat na artista nagamit nila ang profile para lang makapanloko tulad ni Tony  Gonzaga na ilang beses ko din nakita sa FB ang pag gamit nila sa TV personality para makakuha ng Biktima.
Pero itong Bitcoin Code ay di pa dumaan sa wall ko though for sure never ko bibigyan ng importansya dahil mas naniniwala at nagtitiwala ako sa forum ng Bitcointalk.org kesa sa mga Post sa Social media.

thanks for the link kabayan and now sharing sa Wall ko mismo para mabasa ng mga kakilala at kamag anak ko.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Wala akong idea about sa news na ito, but unang tingin ko palang sa site, kitang kita ko na agad na hindi katiwa-tiwala yung contents nito, unang-una, sa itaas, walang SSL protection yung site at basta nalang ni lunch ang domain. Pangalawa, yung mga images ay pamilyar at nilagyan lamang ng storya. Pangatlo, grabe yung profit na pinapakita in just a short period of time, lastly, napaka biased ng comments sa ilalim halatang halata. 


Medyo nakakainis lang kasi may report option sila sa itaas, pero kung pipindutin mo ito, ireredirect ka lang nito sa main scam site nila.
Pages:
Jump to: