need to understand paano nagkakaroon ng correction
It simply means a decline of price from its recent high. As far as I know kaya nagkakaroon ng correction kasi most people or most of the traders believe that they need to sell at a specific price based on their technical analysis or maybe because they fear a long term downward trend (bearish) nag nag cause sa kanila to panic sell.
If you are trader who does charting every day mapapansin mo na most of the time kapag may naabot na certain price for the first time ang common case ay palaging rejected kasi doon madalas nakatambay yung majority ng mga sellers to make a profit. Opportunity din yan para maka bili at a
cheaper price.
eh decentralized nga tong blockchain....
Regardless of the type of the market susceptible sa price correction, kahit nga ang stock market na centralized nagkakaroon eh what more sa decentralized asset na prone sa market manipulation ng mga large bag holders.
kapag ba sabay sabay nagbenta ang mga whales (halimbawa, nag usap usap sila)...babagsak ba value? at pag maraming nag bu buy, tataas?
pa explain naman po sa isang newbie na tulad ko
Yup, that's the basic concept ng supply and demand. Price always depends on the agreed price value for selling or buying. In layman's term, nagbabago yung price ng crypto kasi may isang tao na nag-agree na bibili siya sa
X price at mayroon din na isa na pumayag na magbebenta siya at this
X price.
Like for example.
Nakatanggap ng monthly salary si Joe ng 30,000 USD at nag decide siya na yung sahod niya na yun eh ilalagay na lang sa bitcoin kasi kinocosider niya to as a long term investment. So pumunta siya sa isang exchange, nakita niya na naglalaro yung price sa 35,300 hanggang 35,650 pero dahil nga bibili siya at gusto niya nang mas cheaper price nagplace siya ng limit order sa halagang 35,290.
Nagbenta si Alice ng mga luma niyang libro at kumita siya ng 40,000 USD. Of couse dahil may mga rent and bills pa siya na babayaran ag natira na lang sa kanya ay 20,000 USD. Nagdecide din siya na yung natira niyang pera eh ipambibili na lang ng BTC. So pumunta ulit siya sa isang exchange, nag place ng limit order at nag decide na bibili siya sa halagang 35,315 USD.
May holdings si Jane na 4 BTC na nabili niya sa halagang 35,300 tig isa pero dahil
weakhands siya at mas trip niya na ipagpalit si BTC sa fiat na prone sa inflation. Gusto niya itong ibenta sa halagang 35,310 para hindi siya lugi.
Si Robert din may holding na 15 BTC at dahil gusto niya ng maagang retirement. Nagdecide siya na ibenta lahat ng BTC holdings niya sa halagang 35,320 per coin.
Dahil sa taas ng price ng bitcoin si Dale naman ay na-
FOMO kaya nahikayat siya na bumili ng BTC gamit yung savings account niya na may laman na 25,600 USD, nagdecide din siya na gumamit ng Market Order pa mabilis na mafill yung order niya and eventually mapalitan ng 25,600 USD worth of bitcoin yung savings niya. And since market order yung gamit niya, pipili yung exchange ng pinakamurang selling price which is yung kay Jane na nasa price point na 35,310 USD. What will happen is, magkakaroon ng 0.729 BTC si Dale at makakatanggap naman ng 25,600 USD si Jane at mayroon na lang siyang natitirang 3.271 BTC.
And since ang pinaka
frequent price point ay 35,310 USD. Ayun yung magiging current price ni BTC. Take note na mabibilis na nagbabago bago yung price niyan kasi madaming order ang nagaganap sa isang buong araw. That's is how price changes continuously.