May nadaanan akong article kanina, ang pamagat ay parang masaya ang mga institutional investors na nagbebenta tayo (retail investors) ng BTC sa kanila. Sayang at hindi ko na-save o nabasa.
Hindi na din talaga natin pwedeng ikumpara yung nangyayari ngayon sa nangyari noong 2017 to early 2018 dahil mas marami ng bigatin ang sumali sa eksena. Mga marurunong din naman siguro yung financial advisors ng mga kumpanyang nagsisibilihan ng BTC ngayon. Tingin ko target nila ang $100K bago sila magbenta.
Para sa mga gustong magbasa at magkaroon ng ideya kung ilang BTC ang hinihigop o hoarded ng mga balyena, check niyo to - 78% of the Bitcoin Supply is Not Liquid
Illiquid supply: 14.5 million BTC
Liquid supply: 1.2 million BTC
Highly liquid supply: 3 million BTC
That means that around 78% of the circulating Bitcoin supply is considered illiquid.
Sa madaling sabi, nagiging pahirapan na ang pagbibili ng BTC ngayon. Alam naman natin sa law of supply and demand na kapag mataas ang demand pero mas kumokonti na ang circulating supply, mas nagmamahal ang presyo neto. Kung gusto ng halimbawa, balikan niyo na lang yung nangyari nun nung nag-hoard ng bigas ang mga dealer, biglang taas ng presyo.