Mukhang wala pa talaga kumpanyang mag-push nyan dito sa bansa. Apart from UnionBank and its arms, wala pa masyado institutional adoption ang crypto sa Pinas. Mangyayari niyan malamang ay sunod sa uso ulit ang Pinas kapag naaprubahan na sa US.
Napanaood ko din interview ng CEO ng PDAX (isang BSP regulated exchange) at tingin nga niya na mas makakabuti para sa mga retail investors na bumili ng actual bitcoin kesa sa ETF. Ayon sa kaniya, may sapat naman na protection dito sa bansa (
video)
Salamat sa pag share ng video link kabayan! Napaka informative at on point ng explanation ng CEO ng PDAX tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bitcoin ETF sa US. Agree ako sa kanya na mas safe bumili sa ngayon sa mga exchange dahil futures ETF palang inooffer ng SEC pareho ng point nya since regulated naman at some point yung PDAX exchange sa SEC at syempre may konting bayas yung opinion nya tungkol sa topic na yan dahil nga owner sya mismo ng Exchange. Pero may point talaga ang lahat ng sinabi nya at agree ako doon.
Kung magkakaroon ng Bitcoin ETF, Maraming mga Pilipino ang mag kakainterest sa Bitcoin dahil protektado at
Hindi pa rin safe ang mga documents natin sa mga traditional platforms or exchanges dahil pwede pa rin mahack ang mga yun
[false sense of security]!
Sorry sa confusion, Ang nais ko lang talaga iemphasized sa statement above ay yung feeling comfortable sila sa safety nila dahil nasa custody sila ng SEC, Kung sakali mang ma hack yung system atleast cover sila ng government security. Karamihan kasi ng mga traditional investor or yung mga nakakatatanda ay gusto lagi sa mga proven na broker bumili ng stocks or assets kesa mag risk pa sila sa mga new centralized exchange na bago lang sa kanila. May mga tita at tito kasi ako na professional na ayaw maginvest sa crypto dahil ayaw nila magsubmit ng ID or magdeposit sa mga international exchange dahil wala daw itong physical office para sa complaints kung sakali mang magkaproblema.
Waiting for more healty reply para lahat tayong mga pinoy ay maging aware at inform kung ano nga ba talaga itong big event na nangyari at mangyayari sa Bitcoin future.