Pages:
Author

Topic: Bitcoin ETF sa Pilipinas, Possible kaya? - page 2. (Read 241 times)

copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 03, 2021, 12:09:24 AM
#1


Ano nga ba ang Bitcoin ETF?

Ang Bitcoin ETF ay nagpapahintulot sa mga investors na bumili ng ETF na hindi kailangan mag trade ng direkta ng Bitcoin sa pamamagitan ng paggaya nito sa presyo ng Bitcoin. Sa madaling salita, Virtual representation lamang ito ng Bitcoin na may kaparehong halaga kagaya na lang ng Bitcoin na binebenta noon ng Paypal.


Bakit nga ba hindi na lang bumili ng direkta ng Bitcoin
Alam nating lahat kung gaano kadelikado gumawa at gumamit ng mga CEX(Centralized Exchange) dahil hindi nmn talaga sila regulated at wala tayong habol kung sakali man na maglaho silang bigla dahil hindi sakop ng batas ng Pilipinas ang kompanya nila. Sa BitcoinETF malilimitahan ang mga ganitong panganib dahil may lisensya at regulated ng SEC ang mga broker na mag ooffer nito. Kaya walang pangamba ang mga investors sa mga holdings nila dahil una sa lahat hindi ito tunay na Bitcoin at pangalawa ay protektado sila ng batas.






Possible kaya na mag approve ang SEC ng Pilipinas kung sakali man na may kumpanya na maglakas loob na magsumite ng kanilang applikasyon ukol dito? Kung iisipin natin mabuti, Madami ang matutulungan nito dahil madami ng mga Pinoy ang nagiinvest sa crytocurrency at karamihan ay nabibiktima ng mga scammer at fake exchange. Idagdag pa dito yung mga KYC verification na hindi natin alam kung talagang protektado ito sa mga kamay ng mga online hacker na nagbebenta ng mga ito sa online. Kung magkakaroon ng Bitcoin ETF, Maraming mga Pilipino ang mag kakainterest sa Bitcoin dahil protektado at wala ng pangamba na baka tumakbo yung mga exchange na ginagamit nila.

Ano ang opinyon nyo mga kabayan?



Buong detalye ukol sa Bitcoin ETF: https://www.investopedia.com/investing/bitcoin-etfs-explained/

Pages:
Jump to: