Good day! Gonna share this topic that I've studied recently. Ito yung topic na posible mangyari in the future once maisagawa pa ang pagdedevelop ng networking technology.
Nabasa ko 'tong article nito which caught my idea at nai-relate ko agad siya sa aking knowledge sa networking technology. So gusto kong i-share yung idea na
Paano kung wala ng Internet? Unang papasok sa aking isipin ay, paano na ang Bitcoin? Posible pa magkaroon ng transaction without internet or offline?
Una kong naisip 'tong
LoRaWAN na tinatawag na ang ibig sabihin ay
Long Range Wide Area Network.
Ano ba ang LoRaWAN? LoRa (Long Range) is a low-power wide-area network (LPWAN) technology. It is based on spread spectrum modulation techniques derived from chirp spread spectrum (CSS) technology.[1][2] It was developed by Cycleo of Grenoble, France and acquired by Semtech the founding member of the LoRa Alliance.
So basically, using a small piece of chip pwede ka na gumawa ng sarili mong network even a Raspberry Pi, pwede mong gawing node ng LoRa network mo. Ang nagpapatakbo ngayon sa bitcoin transactions ay chain network in the internet, which is mas madali dahil globally ang pag-transact basta may access ka sa internet.
Ang LoRaWAN ay isa ring WAN/MAN (Wide Area Network/Metropolitan Area Network) na ibig sabihin ay pwede kang gumawa ng network mo sa isang specific na area. Halimbawa nalang ay, may network sa buong metro manila at pwede kayong mag-connect connect through it.
So posible nga ba magamit ang LoRa network sa pag-implement ng Bitcoin?- Hindi, dahil sa WANetwork, minimal na data transfer lang ang pwede so it means na baka hindi kayanin ang size ng blocks.
- Once implemented, magiging congested lang lalo ang LoRaWAN dahil minimal lang ang data transferring at limited lang ang pwedeng maka-connect sa gateways
- Limited area lang.
So bakit ko pa sinabi ang LoRaWAN as possible solution for offline transaction kung di rin naman magagamit at puro disadvantages?Nasa first phasing palang naman ang LoRa technology so there's still a possibilities na ma-develop 'to as soon as possible.
I wise man said,
"It has become appallingly obvious that our technology has exceeded our humanity." So possible for development ang lahat ng bagay at kapag mas lalong nabigyan ng pansin ang LoRa technology, definitely ito na ang solution for offline private transactions.
Possible na lahat ng payments ng connected branches ay mata-transact through LoRa Network, once kaya ng mag-receive and transmit ng data na malaki ang technology na ito.
Halimbawa.
Here's a map, para mas klaro ang explanation.
Kung makikita niyo sa image, ang
Main Branch na located sa Manila ay connected sa Internet which is very obvious dahil malakas ang connection ng Internet within Metro Manila. The
Sub Branch na located below ay walang signal or out of coverage sa internet.
The possible solution here is LoRa Technology. Kayang magpadala ng payment ang
Sub branch to
Main branch basta within in the path (straight line) merong nodes ng LoRa technology na magtatransfer ng data na dapat ma-transfer sa
Main Branch without using the Internet.
Kung iniisip niyo naman na parang katulad lang 'to ng Money Transfer, hindi po siya katulad don.
Ano nga ba ang technology behind sa Money Transfer? EFT yon or ang tinatawag na Electronic fund transfer na kung saan Online Transaction pa rin 'yon so not qualified as Offline Transaction ang mga money transfer like Western Union and many more. It still uses online service providers para gumana yung money transfer.
Wala na bang ibang paraan for LoRa para mas maging posible ito? Actually meron din, diba alam naman natin na ang Electrum ay maliit na data lang ang ginagamit kada-transaction? So pwedeng magkaroon ng integration between Electrum and LoRaWAN para mas maging posible ang minimal data transfer sa network.
May existing nodes/gateways ba ang LoRa ngayon sa Pilipinas?Actually, may mga gateways na existing ngayon na ginagamit sa IoT technology at pwede mo ring gamitin for your own private transaction once nagkaroon ka na ng access sa mga gateways na yon. May 6 gateways na existing ngayon dito sa Pilipinas at 3 ay nasa Metro Manila. Pwede ka rin namang gumawa ng sarili mong node and gateways para sa iyong offline private transaction.
LoRa technology is still a new technology na kaka-implement lang so possible gamitin itong technology for Bitcoin-use someday. So looking forward pa ako sa mga ibang networking technology na pwedeng magamit ng bitcoin and di na malayong mangyari sa current status ng technology na still going up ang development. Like what I've said in my recent threads, prioritizing technology really make changes in our society so it must be funded and should be given a lot of attention dahil ito ang mag-aangat satin.
Kaya ikaw, sa tingin mo ba na posible ang Offline transaction in the future?