Pages:
Author

Topic: Bitcointalk Daily November 04, 2019) (Bagong Balita) - page 2. (Read 926 times)

hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


Category: Meta
Balita: Na Hacked
Source: https://bitcointalksearch.org/topic/account-hacked-carlfebz2-5146652
Date: May 24, 2019, 06:32:54 AM

Descrption:

Isa na namang User ang nabiktima ng pang Hahack ngayong araw kinilala ang biktima na si carlfebz2, Ayon sa biktima nagulat nalang sya ng makatanggap sya ng Email galing sa Bitcointalk na nagsasabi na merong nagpalit ng kanyang Email at Password. agad2x nitong nilocked ang kanyang account upang hindi ito mapakinabangan ng hacker.

Nang tinanong ko ang Biktima kung meron syang natatandaang huling ginawa nya bago mangyari ang hacking, sabi nya "Alam ko na talamak  ang Phishing at Malware sa Internet kaya alam ko kung pano umiwas dito, ang pinagtataka ko lang kung paano nya nakuha yung pinaka matibay kong password" Source

Nahihirapan ngayon ang biktima sa pag recover ng kanyang account dahil hindi ito nakapag sign message gamit ang BTC address nito, ayon sa kanya hindi sya makapag sign ng message noon dahil ang gamit nyang Wallet ay ang tanging gamit nya sa Coins.ph na kung saan ay hindi ka makapag sign ng message dahil hindi mo naman hawak ang private key nito.

Dahil sa pangyayaring ito pinapayuhan ang lahat na mag sign kayo ng message gamit ang Electrum na makikita ang tutorial dito: (Guide) Signed Message gamit ang (Electrum) upang hindi kayo mahirapan sa pag recover ng inyong account kung sakaling mangyari ito sa inyo.

Kaya patuloy tayong mag-ingat mga kabayan, kung walang ma ipost na maganda, mas makakabuti na magbasa nalang muna.


Ako po ang inyong lingkod nag-uulat "Yazher" ng BitcoinTalk Daily" magandang araw!



Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Bitcointalk Daily
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


Category: Beginners & Help, Off-topic
Balita: Merit Giveaway
Source: Source1 Source2 Source3 Source4
Date: May 23, 2019, 10:21:51 PM

Descrption:

Sa mga hindi pa nakakaalam meron po tayong Merit Giveaway sa mga users na may mga na contribute dito sa forum, Kung ikaw ay merong magandang post o di kaya'y  merong natulungang User o meron nagawang maganda dito sa ating community, pwede nyo pong ilagay ang Link ng inyong Topic or Replies sa mga Thread na ito, na kung saan nagbibigay ang Author ng Merit base sa kanyang pananaw:

Lists:

1. Merit for Crypto (and other) Knowledge (no guide threads) - Quickseller
2. [self-moderated] Report unmerited good posts to Merit Source - LoyceV
3. Looking to be mertied? Come here - killyou72
4. Cabalism13's Full List of UnderMerited/Unmerited Posts - Cabalism13 (Pinoy)


Note:

Basahin mabuti ang bawat Rules na ginawa nila sa kanilang topic upang hindi kayo mapagalitan o hindi mabigyan ng Merits.
Iwasan natin mag post ng mga topic o replies sa mga thread na ito na hindi naaayon sa mga hinihingi ng Author.


Ako po ang inyong lingkod nag-uulat "Yazher" ng BitcoinTalk Daily" magandang araw!



Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Bitcointalk Daily
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


Category: Meta
Balita: Unban Appeal
Source: https://bitcointalksearch.org/topic/ban-appealupdate-total-table-ban-status-need-feedback-from-global-mods-5144410
Date: May 23, 2019, 09:30:11 AM

Descrption:

Patuloy pa rin ang pag dagsa ng mga topic na Unban appeal sa meta, dahil na rin ito sa patuloy na pagbabanned sa kanila ng mga Moderators. kadalasan na dahilan nito ay Ang Plagiarism. sa kasalukuyan umabot na ang kanilang bilang sa 30+ ayun sa datos ng [UNBAN APPEAL] Total list + Unban progress na post ni Alex_Sr sa Meta. Source

9 sa kanila ang nahatulan ng Signature Banned ng hindi tataas sa 2 taon, tinukoy ang mga na banned na sina:

1. lovesmayfamilis DT1
2. hacker1001101001
3. shasan DT2
4. cellard
5. thejaytiesto
6. zazarb
7. Xenrise
8. WhiteManWhite DT1
9. Acura3600

Inaasahan na darami pa ang kanilang bilang dahil araw2x ang ginagawang operation upang mahanap kung sino sino ang sangkot sa paggawa ng Plagiarism. Walang kinikilingan ang Pag banned sa kanila maging DT member man ito o ordinaryong user, wala itong kawala kapag napatunayan na  nagkasala.


Ako po ang inyong lingkod nag-uulat "Yazher" ng BitcoinTalk Daily" magandang araw!



Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Bitcointalk Daily
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


Category: Services
Balita: Biglaang Pagsara ng Bestmixer.io Signature Campaign
Source: https://bitcointalksearch.org/topic/m.51169233
Date: May 22, 2019, 02:11:56

Descrption:

Marami ang nagulat sa Biglaang pagsara ng Bestmixer.io Signature Campaign, Dahil ito sa malawakang imbestigasyon na ginawa ng The Financial Advanced Cyber Team (FACT) of the FIOD, matapos ang halos isang taon na pag iimbestiga pansamantalang naipasara ang Serbisyo ng Bestmixer.io na ayon sa (FACT) nakakalap sila ng inpormasyon tungkol sa mga transaksyon sa pagitan ng mga customer at Bestmixer.io.

Ang mga customer ay matatagpuan sa buong mundo, lalo na sa US, Germany at sa Netherlands. Susuriin ng FIOD ang impormasyon kasama ang Europool. Pagkatapos nito ay ibabahagi ang data sa ibang mga bansa. kung mapapatunayang lumabag sila sa batas posibleng maharap sa patong patong na kaso ang May-ari ng Bestmixer.io at tuluyan na itong mapasara. Source:

Walang dapat ikabahala ang mga participant ng Signature Campaign ng Bestmixer.io, dahil sabi na rin ni Campaign Manager Hhampuz na wala itong kinalaman sa kung saan nanggaling ang mga transaction na sinent sa kanya ng representatives ng Bestmixer.io. at hindi rin nito kilala kung sino ang nasa likod ng representatives ng kampanya. Source:

Ako po ang inyong lingkod nag-uulat "Yazher" ng BitcoinTalk Daily" magandang araw!



Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Bitcointalk Daily
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


Category: Meta
Balita: Anti-Plagiarism Bot
Source: https://bitcointalksearch.org/topic/m.51148431
Date: May 22, 2019

Descrption:

Kahapon May 22, 2019, Nasa 187 ang na banned matapos manalasa nanaman ang Anti-Plagiarism Bot, Ayon kay iasenko Ang bilang ng mga 1000 Most merited users na naapektuhan sa pangyayaring ito ay umabot na sa 98 (source) kaya pianapayuhan ang lahat na huwag na huwag mag copy paste ng post ng iba kung ayaw nyo matulad sa kanila. Babala walang kapatawaran ang parusa nito kapag ikaw ay napatunayan na nagkasala. except na meron kang na contribute sa forum natin, mapapatawan ka lamang ng hindi bababa sa 1 taon na Signature Ban at 30 araw na Ban dito sa forum. pero pag ikaw ay napatunayan na walang nagawang maganda dito sa Forum, wala ng chansa na maibabalik sayo ang iyong account.

Kaya patuloy tayong mag-ingat mga kabayan, kung walang ma ipost na maganda, mas makakabuti na magbasa nalang muna.
Ako po ang inyong lingkod nag-uulat "Yazher" ng BitcoinTalk Daily" magandang araw!



Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Bitcointalk Daily
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen


"If you just landed here, this topic is exclusively for Pilipino members, I made this thread to inform them about what is currently happening in our community. Some of my fellow countrymen are having a hard time understanding English, So I made this thread to Update them on what's going on in our forum on a daily basis. In short, this is a one-stop place to read some News on Bitcointalk, That's why it's called Bitcointalk Daily."

Alam naman nating lahat na meron tayong kanya kanyang pinagkakaabalahan sa ating pang araw araw na buhay, kaya minsan yung iba sa atin ay bihira nalang makapag online dito at kadalasan nahuhuli sila sa mga balita na nangyayari sa community natin. kaya naisipan kong gumawa ng ganitong klaseng thread para pagpasok nila ng bitcoin talk isang click nalang malalaman na nila ang mga nangyayari sa ating forum.

Ang layunin ng Thread na ito ay makapaghatid sa inyo ng mga balita dito sa ating Forum, Mula sa mga iba't ibang boards dito ihahatid ko sa inyo ang mga balita dito mismo sa Thread na ito. para hindi na mahirapan ang mga kababayan natin sa pag explore sa mga boards dito. ipopost ko sa thread na ito ang bawat kwento na magaganap sa ating forum sa nakalipas na araw. tatalakayin din natin dito ang mga bagay na nangyayari sa industriya ng crypto currency.

Bitcointalk Daily or "BTT Daily"  ang naisipan kong itawag sa Thread na ito, kada Araw maghahatid ako sa inyo ng mga balita na may kaugnayan sa ating Community pati na rin sa Crypto Industry. parang News paper format lang ang gagawin ko kung saan may mga Category ang mga balita.

Parang News Flash lang ang tema natin mga kabayan, kaya sundan lang ang sample ko sa pagbabalita.
Gusto ko rin malaman mga comment nyo, kung mabuti ba itong naisip ko o hindi.


Rules:

1. Ang mga ibabalita dito ay may mga kinalaman lamang sa Crypto Industry.
2. Ang mga ibabalita dito ay mga pangyayari sa ating Community.
3. Pwede din kayo mag post dito.
4. Kailangan ko rin po ng mga suggestion nyo. kaya tulungan nyo rin ako.
5. May karapatan akong alisin ang post kung ito ay sa tingin ko hindi ka nais2x


Format ng pag Post:

Category:
Balita:
Source:
Date:

Descrption:





Pages:
Jump to: