sakin lang ah kasi di ko naman ginagamit yung coins ko simula nung nag stop ako dito. nung last year kasi nag renew ako ng verification at di tinanggap yung para level 2 ko kaso nag okay sa level 3, ibig sabihin unverified ako sa level 2 pero verified ako sa 3. nakakailang send na ako para hindi na magkulay pula yung level 2 ko kaso disapprove eh. hinayaan ko nalang total yung limit ko ay para 3 naman, siguro nag bug yung sakin kasi dati naman talagang level 3 sya before nag expire yung lisensya ko.
di ko pa naman naranasan yung taon2x nalang mag verify ewan ko lang di ko naman ginagamit tong coins ko, pero kung sakali man ma open na for public yung gcrypto siguro susubukan kong lumipat dun.
Parang first time ko lang makarinig ng ganyang setup. Kasi karamihan eh mga level 3 accounts tapos naging level 2 o di kaya level 3 tapos naging custom limit. Kung di mo man magamit yan, okay lang naman kasi marami naman na ding hindi gumagamit sa kanila pero kung gusto mo magamit at tingin mo ok pa rin naman ang service nila, wala ring problema.
Ito ang nagpaayaw sakin sa coinsph
KYC hindi maganda gawin sa kanila sablay sa totoo lang - Noong unang ng KYC ako sa kanila ang smooth saglit lang pero ng dumaan na taon biglang ang hirap magkyc sa kanila, ang clear na ng image nadedeny parin sa confirmation, kaya ngpasya na ako na tumigil
Ang taas ng fee - Alam naman natin na dati di naman ganun ka taas fee's kasi matagal din itong ginamit, pero pagpasok ng 2020 kulang nalang sabihin nila sayo na holdap to, wala kanang magagawa.
Note - Ito siguro ay dahil nuon akala nila di map2p ang mga tao, kaya nung pumutok ang p2p andami ng nawala na users nila, hindi naging maganda decisyun nila until now, stagnant at parang wala silang paki, ang masama lang ngcompete na sa kanila si gcash at maya, mas madali pang gamitin kung titignan
Ang nakikita ko lang na maganda dito dati ay ang payment sa mga bills pero itsapwera nadin dahil sa mga bagong apps na mas madaling gamitin.
kung gusto nila siguro makabawe dapat ayusin nila ang mga policy at papanu ang approach sa users kasi, parang ang hina nila pagdating sa users, kung anu lang gusto nila yun, dapat convenience ng users hindi sila.
Sa akin, walang problema sa fee nila kasi parang ang kapalit nun convenience sa mga users kaso nga lang hindi na convenient kaya ayun, hindi lang ako ang nakaramdam na dapat alis na kanila, madami na din pala lalo na dito sa forum.