Pages:
Author

Topic: COINS.PH FAKE GIVEAWAY PHISING ITO MGA KABAYAN - page 2. (Read 248 times)

full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Bumping this thread!

Dapat ito yung talagang laman ng SENATE BILL sa Pinas kasi talamak ang scam at phishing site na pinapakalat sa iba-ibang social media platforms.

Porket waepek na yung kukunin kuno yung number sa coins.ph mo at may magtetext sayo ng code at ibibigay mo sa scammer ng hindi alam na binigay mo ang access ng coins.ph mo sa scammer. Muntik na ako nyang madali kaya never na akong nagpost ng HOW sa fb.

Linoloko nila ang mga tao porket hindi masyadong aware ang karamihan sa mga phishing sites. Dapat rin talaga madiscuss ang mga ganitong issue sa Senate Bill na gagawin sa virtual currency. Para naman matigil na ang pangloloko nila.

Mass report po or isumbong direkta sa coins.ph
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Siguro may mga nabiktima ito kaya inuulit na naman ng mga mokong ang gawain na ito.

Boss may link ka ba jan sa pic? Mas mainam kasing i-mass report yan para mas madaling mawala. Andami ngang scammer ngayon and andami pading naloloko kahit na common na yung coins.ph scam websites na pinopost sa facebook. Report mo lang din yan sa main coins.ph page at sila na bahala gumawa ng action which is mas mafofocus ng Facebook dahil sa imitation and false posts.

Dapat maging aware na tayo na hindi magtiwala sa mga shortened links dahil madalas phishing websites lang ang patutunguhan nito.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯

Nag post ako nito sa scam accusation section dahil sa tingin ko dun ito nararapat e post for awareness pero as suggested ng isang user eh gumawa din ako ng thread dito para madali itong makita ng mga kababayan natin lalo na sa mga baguhan at hindi pa alam ang ganitong modus.

Nakita ko na to dati pa at bumalik na naman at maraming nag tatanong sa facebook kung legit ba ito kaya babala sa kababayan natin dahil hindi ito totoo at phising site ito layunin ng website na ito na kunin ang datos ng ating personal wallet at nakawin ang ating balance kaya ingat-ingat lang tayo.

Siguro may mga nabiktima ito kaya inuulit na naman ng mga mokong ang gawain na ito.


BAGONG LINK: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=112507370451722&id=112506867118439


Pages:
Jump to: