Ganun pala, tama yung hinala ko na sa LBC talaga yung problema at hindi kay coins.ph. Kapag ok naman sa status nila kasi real time yun, walang kaso sa kay coins.ph kundi sa may partner nila.
Bali may ideya na tayo kung mangyari man yan ulit in the future. Kailangan lang pala magpa-cooldown muna o mag-antay hanggang sa mag proceed na ulit yung transaction.
Nangyari na sa akin yang na-experience ni Quidat. Ang kaibahan nga lang, nag-proceed iyong transaction ko pero not working iyong reference number which is really weird and rare case. Kahiya nga lang sa LBC mismo. Di na ako umulit ng transaction at baka mangyari na naman and iyong support na mismo nagsabi ng claiming details sa akin. Side daw ni LBC ang nagka problema pero di pangkalahatan meaning operational ang status at sa side ko lang nangyari. Pero yan lang iyong parang medyo abala na problem ko sa LBC and overall Smooth lahat.
Mas mabuti sana if accepted ng instapay withdraw (gcash) from btc wallet kase need pa mag convert to php para lang makapag withdraw, eh parang mababa pa naman rates ng coins pag ng convert to php.
Bro kahit rekta from BTC, sell rates pa rin ang basehan. Testing niyo sa ibang withdrawal method
e.g LBC, ML makita niyo same lang. Coins.pro lang talaga solution para ma-maximize PHP rates. Pero pag di accepted sa whitelist, no choice.
Ang problema lang sa may ganyan is bawal yun from BTC wallet yung pag withdraw. Pero ang alam ko some time around 2018 2017 may cases na nakakawithdraw ako from BTC wallet. Pero di pako gcash cashout nun e.
Instapay option lang iyong need ng conversion. Iyong ibang withdrawal method is puwede from BTC wallet gaya ng nabanggit ko sa taas.