Tama naman yung approach mo na tanungin ang LBC kasi ako tumatawag ako sa paborito kong branch at at nagtatanong kung may available funds sila that time, usually kasi pag maaga ay wala talaga at mag iipon pa daw sila, pero at least pwede ka mag pa reserved lalo na kung kilala ka at sasabihin na sayo na bumalik ka ng ganitong oras. Kaya lang siguro yung manner mo lang ng pagtatanong ang may kunting diperensya katulad ng sinabi ni @chaser. At goodluck sa PHP 400,000 withdrawal mo araw-araw.
Contrary kasi sa post niya (qinuote ko sa baba) kaya medyo nagulat ako sa gusto niya mangyari na ganun kalaki ang iwiwithdraw niya at araw-araw pa. Pero ako kay gunhell, puwede na yang mas mababang amount, 200,000 = x4 50,000 puwede na yan at least mawiwithdraw din naman lahat.
Kalma lang makukuha din lahat ng pera. May chance man or hindi yang 400,000 sa LBC everyday, dapat alam na rin natin na may times talaga na di sila papayag sa ganyan. Kahit sa Cebuana din sa akin dati. Depende yata talaga sa mga staff dyan sa branch na kahit may malaking pondo, di nag-aallow kasi gusto nila ma-spread iyong pondo sa lahat.
Nangyari narin ito sa account ko. Verified ako sa level 3 user at meron akong limit before na 400,000 php sa cash out pati cash in per day.
Nagwithdraw ako ng 50k 4x in 1 day sa cebuana. Tapos nakatanggap ako ng email at text wala pang 1 week after nung naglabas ako ng pera noon subject for level 4 na ako pero wala naman ako requirements para doon dahil wala ako business na ipapakitang registered. Simula noon may limit na ako na 50k per month cash in at cash out. Kaya gumawa nalang ako ibang wallet gamit sa wife ko at sa mga kapatid ko para marami na account ko sa level 3 at d ko na inulit magwidro pa ng ganun kalaki using 1 wallet.