Sa experience ko naman, nakapag-pareserve na ako dati sa LBC ng Php 100,000. Pero more than that di na ako pinagbigyan kaya balik na lang kinabukasan or another option is sa ibang branch naman magpunta. Sa ML Kwarta naman at sa Cebuana na-accommodate nila iyong big cashouts ko pero tinigil ko iyong sa Cebuana kasi 2% of the total amount ang fees then sa ML naman need may cut-off time pa dati sa coins.ph. Saka dati sa Cebuana kahit Php 20,000 pinapaalam ko pa kasi natanggihan na ako sa ganyang kaliit na amount kahit matao ang branch at morning ako nagpunta. Di rin natin kasi masabi kung maliban sa akin, baka marami na ring naunang nagsabi kaya nireserve. Palakasan din yata kasi may kakilala ako nag-aabot pa sa staff basta patago lang dun sa guard.
Pero ngayon yang Php 400,000 everyday is madali ng gawan ng paraan. Gumamit lang ng ibang payment method since marami naman instant. Yan ay kung nag-prompt na iyong napili nating remittance center na di nila ma-accomodate ang ganyang amount. Pero pag ginawa ko yan ulit baka tumawag na naman ang coins.ph. Kasawa na pumatol sa video interview nila lol.