Since kasali kayo sa Yobit campaign brad at palagi kayong maglalabas ng pera from coins.ph, please see below for previous post of harizen for the different methods of cash-outing
LBC
Advantages:
-Fees concern, mas ok to "for higher amounts" especially Php 50,000.
-Instant
Disadvantages:
-Di kalat ang branch (depende sa lugar)
-Mahabang pila (if natymingan mo pero di big deal to sa akin)
-Minsan out of funds (even sa Mall naabutan akong out of funds. Meaning dun ang puntahan ng lahat since di kalat ang branches.)
ML Kwarta
Advantages:
-Fees concern, mas ok to "for small amounts" . You can compare naman.
-Instant ( recently lang to naging Instant so isa na yang advantages nya)
-Kalat ang branches, at least based sa observatin ko
Disadvatanges:
-Mahabang pila (if natymingan mo pero di big deal to sa akin)
-Like sa sinabi ko sa taas, minsan na rin akong naubusan ng funds
- Ito updated to, Php 50,000 na lang per day. Dati nag withdraw ako half M dito dahil ayoko dumaan sa bank. Di naman hassle ang transaction since sabay-sabay naman iprocess iyong 10 form.
GCASH
Advantages:
-Puwede ka magwithdraw 24/7. Di mo na antayin magbukas ang Palawan, LBC, ML
-Good for emergency. Kalat ang ATMs sa buong lugar kahit probinsya. May takbuhan agad. Ito gamit ko pag out of town tapos nangaailangan ng pera.
Disavantages:
Sa mga nagtitipid sa fees baka di nila magustuhan to hehe.
Cebuana for Php 50,000? No way sobrang mahal. Parang GCASH. Ang kagandahan lang kasi nun dati instant at kalat ang branches.
Ngayon ang gamit ko is GCASH for instant. Pero dapat small amount lang. For higher, let's say Php 50,000, LBC pipiliin ko. Nasa kanto lang namin iyong LBC e lol pero di bukas minsan pag holiday kaya sa mall ako nagpupunta.