I'm using GCASH for my instant cash out, but since yesterday it's not working yet, though that one is really expensive but the convenient is there so I'm using it. Do they have any announcement regarding this problem on the cash out system, and time frame where it will be working again?
As usual, no announcement kapag may problem sa isa sa mga cashout option nila. Nagstart madisable ang GCASH last Tuesday before the holiday. Tapos til now wala pa rin.
Matagal ng may fee ang BDO last year pa. I used to withdraw kasi dyan, then sa eastwest at BPI, among those iniwasan ko na sa BDO kasi nga parang hindi welcome ang cryptocurrency withdrawal sa kanila. If you recall yung issue ng isang account na sinuspend ng BDO because of encashing with cryptocurrency. Pumunta pa sila ng BSP para magpaclear. Mabuti naman na naclear din at naayos but then imagine the hassle. Kaya ayun pinasara ko na lang ang BDO account ko at gumamit na lang ako ng ibang bank.
Anyway, sometimes nakakagulat si Coins.ph, nagkakaroon siyang instant confirmation sa bank encashment, naranasan ko ito ng magpadala ako sa BPI at Landbank, kaya naman pala nila ng instant transmit sa mga bank, sana iimplement din nila ang ganito sa mga banko or kahit 1 to 2 hour waiting period, sa Rebit.ph kasi 1 to 4 hours lang ang waiting sa encash sa bank.
Ah I see. Not used to withdraw in BDO so I just learned the fees recently.
Yes di crypto friendly ang BDO and nabalitaan ko yang issue na yan. Kalat yang issue na yan sa mga local crypto groups.
By the way dun sa last statement mo, mga anong oras mo nilapag yang withdrawal request mo and ilan beses na nangyari? Naniniwala din ako minsan napapabilis ang processing time ng ibang cashout option like iyong sa ML na dapat before 10am maplaced na, nalagay ko sya ng 2pm pero 4pm same day may confirmation na.
Ang di lang kasi maganda sa coins.ph e di nila mabigyan ng further announcement yung mga services na hindi available sa ngayon kung kelan babalik, kaya yung iba mag sesettle na mag antay ng mag antay sa wala.
Exactly.
Ngayon wala ng natirang option for instant cashout kapag sarado sila LBC at Palawan. Sa GCASH traders na lang ako umaasa for now as an alternative.