Gusto lang talaga natin ng mga madalian kaya minsan nagkakaproblema. Sa LBC medyo nag aalangan na talaga ako magcashout dahil medyo hindi ko gusto yung service nila. Mas prefer ko lang talaga ang Cebuana compared sa LBC padala.
Sabagay case to case basis at may mga sarili tayong preferences.
-Ang ayoko lang naman sa Cebuana is fees. Mararamdaman niyo ang pagiging gahaman sa fees ng mga yan pag nagwiwithdraw kayo ng malakihan palagi at urgent. Solution is Bank and ML Kwarta Padala pag di naman urgent.
-About sa service parehas silang OK. Mabilis ang proseso.
-Same din naman ang haba ng pila lol although mas matagal sa LBC kasi depende sa branch at iyong mga nagpapadala ng package pag nasaktuhan mong kasabay mo aabutin ka ng siyam siyam. Pero buti naman unting beses ko pa lang naranasan to.
-In terms of instant, mas instant si LBC and no need to wait for text message kasi mismo sa app lalabas na iyong details.
Pero above all of this, tayo rin minsan ang problema. Gusto natin kakatok na lang sa atin ang kinashout natin. lol.