Anung advice niyo sa pag cashout ng mabilisan? As much as possible yung di kailangan ng government ID. College student kasi yung pinsan ko siya inuutusan ko mag withdraw ng pera ko from coins ph so di tinatanggap ang student ID niya specially big amount. Ako naman isa lang ID ko pero gabi kasi ako gising gawa ng online ang trabaho ko. As of now disable pa din yung egivecash in coins ph eh. Amount na usually winiwithdraw ko is 50-100k depende sa incentives if na hit yung mga targets namin.
As of now i'm thinking yung LBC peso pack padala na lang. Kaso need din ba government ID nun? Tulog ako pag umaga so more or less sa mga kasama ko dito sa bahay ang tatanggap. Puro din walang government ID. College students din kasi.
Puwede yang Student ID sa LBC.
Ang goal dito is makakuha ng LBC Card para sa future transaction mo kahit 1 ID na lang dalhin. Need kasi ng LBC Card at ID sa pagclaim. Once may card ka na wala na tanungan yan. Marami akong nakakasabay na student pag nagrereceive ng pera. For sure some of them wala pang government ID.
Kahit malakihan pa yan basta may card ok na yan. Eh sa ganung amount ang irereceive mo e. Pero if may doubt ka ok lang din naman na hatiin mo na lang. For your reference, Php20k pa lang ang nakita kong pinakamaling nawithdraw ng student na wala na tanungan. Kakilala ko sya sabay kami nagwithdraw.
Take note na:
a) Mahaba pila sa LBC lol (depende sa branch)
b) Ask mo muna iyong counter kung ok magreceive ng Php50k or Php100k.
c) 6pm ang cutoff ng system
d) May mga branch na need pa ng supporting documents na talagang enrolled ka sa school kahit may year naman na nakalagay sa ID. Same sa ML kwarta Padala pag first time customer. Try mo na lang.
EDIT: Ok so di pala ikaw iyong Student. Late ko nabasa lol. Less hassle na kasi pag ikaw ang tatanggap kasi for sure may goverment ID ka. 7am nagbubukas ang LBC. Kahit sabihin mong
"di naman ganun kadali" puwede ka naman maglaan ng ilang minuto sa isang araw lang para dyan. Di mo naman araw araw gagawin.