Depende yan sa branch. Parang sa Cebuana minsan, di ako pinagcacashout pag malakihan pero sabi ng iba reason lang daw nila iyon. Pero kung less than Php 10,000 (sa tingin ko lang na amount range) parang imposible walang pera ang LBC branch na pinuntahan mo. May mga cash yang mga yan lalo na sa matataong lugar. Remittance center sila e.
Pag less than Php 10,000 ang cashout ko sa LBC, di ko na tinatanong kung meron. Matic yan dapat meron. Pero since di maganda ang experience mo, ugaliin mo na lang magtanong if available.
Pag more than that, talagang nagtatanong na ako kasi sayang ang time na aantayin ko. Ang ayoko lang talaga dito mahaba pila kasi halo halo ang kasabay na transaction pero mas instant to kaysa sa EgiveCash na minsan delay pa ang pagdating ng codes hanggang sa minsan wala na talaga dumadating kaya nadismaya ako e. Saka malapit ako sa LBC walking distance, sa Security Bank sasakay pa ako lol.