Bakit kaya palaging may problema ang loading ng coins.ph, sobrang nakakainis na eh abala sa negosyo minsan pa kailangan talaga for emergency hindi rin maasahan..
Sa service provider ang problema diyan hindi sa coins.ph, siyempre may maintenance na nangyayari kaya minsan down yung service ng loading. Payo ko sayo kung gusto mong gawin na business yan gumamit ka din ng iba pang software na pwede kang bumili ng load with rebate, marami na ngayon nag ooffer niyan.
Meron akong bitcoins sa coins.ph, di ko alam kung paano ko mai-ka-cashoout ang kalahati o portion ng total bitcoins ko. Wala kasi akong makitang option maliban sa convert sa wallet page nila. Kapag ginamit ko ba ung Convert lahat ng bitcoins ko mapupunta sa PHP wallet ko? Please comment. Thanks.
Kapag mag coconvert ka ng Bitcoin to php sa coins.ph may mag popop up dun kung magkano yung halaga na gusto mong iconvert. Pero kung magcacash out ka ng Bitcoin pwede naman wag ka nang mag convert, direct cash out mo nalang, pili ka lang ng method na gagamitin mo then input mo yung amount (in pesos) na gusto mong ilabas.