Author

Topic: Coins.ph Official Thread - page 301. (Read 292010 times)

sr. member
Activity: 1372
Merit: 264
April 19, 2018, 10:00:12 AM
Guys, Sino sa inyo dito mayroon account sa Unionbank?

Nagbabalak kasi ako na magopen ng account tapos dun ko iddiretso ideposit yung spare Bitcoin ko. Mayroon ba silang issue sa ganun?
full member
Activity: 490
Merit: 106
April 19, 2018, 07:41:32 AM
Hello po. May nakaranas na po ba ng "wrong info. transaction failed" sa eGiveCash ng ATM machine ng security bank? Paano po ang gagawin dun? Naka ilang ulit na po ako ng given na number at passcode, natry ko na rin sa ibang ATM machine ng security bank, ganun parin. Pumunta na rin akong security bank, ang sabi nila, dapat coins.ph daw ang tatawag sa kanila dahil sila yung sender. Gaano katagal kaya matatawagan ng coins.ph yun?
Nangyari na yan sakin dati, yung binigay na code sakin nag wrong information sa ATM ng security bank, sinubukan ko din sa iba nilang ATM pero ganun din. Ang gawin mo, mag email ka sa coins.ph sabihin mo yung binigay na code sayo hindi gumagana, makikita naman nila sa system yun kung hindi pa nakukuha yung pera, tapos tumawag ka din sa branch ng security bank kung saan ka nag try na mag withdraw ganun din sabihin mo, para mabilis na ma process yung refund ng pera, nung nangyari sakin to nirefund ng coins.ph sa php wallet ko the other day na nag email ako. Pero simula nung nangyari sakin to di ko na ginamit yung egivecash kasi hassle pag nag failed sa ATM.
hero member
Activity: 1022
Merit: 503
April 19, 2018, 03:49:45 AM
Pero sa totoo lang bakit biglang nagpadala ng representative ang coins.ph? Imposible namang dahil ngayon lang sila nasabihan? O kaya para mamonitor income ng mga users dito at malaman kung pano sila kumikita?

Magandang may representative dito para sa mga convern pero ingat ingat kayo baka di natin alam imbes na representative e ang totoo spy pala yan at lahat ng users nila na against na rules and regulations nila ay bigla nalang maban gaya nung iba na nag gagambling halimbawa.

With all due respect, mukhang wala naman itong magiging problema basta wala naman tayong illegal na ginagawa sa batas.  Sa issue kasi ng Gambling noon, talagang bawal kasi iyun.

Note:  Kung gugustushin ng BIR, NBI or Finance na i-monitor man tayo, hindi nila kailangang magtago sa coin.ph as representatives. Magagawa nila iyun anytime.  Wink

Well yes, good thing we already have coins.ph to backed us if things mess up. However, hinay hinay lang din sa pag cash out dahil baka mabigla kayo at maitimbre sa AMLC and even though we have coins.ph it's hard to explain them that we're doing crypto trading. Just make sure we put limits on everything.
hero member
Activity: 1316
Merit: 514
April 18, 2018, 09:50:41 PM

Hello po. May nakaranas na po ba ng "wrong info. transaction failed" sa eGiveCash ng ATM machine ng security bank? Paano po ang gagawin dun? Naka ilang ulit na po ako ng given na number at passcode, natry ko na rin sa ibang ATM machine ng security bank, ganun parin. Pumunta na rin akong security bank, ang sabi nila, dapat coins.ph daw ang tatawag sa kanila dahil sila yung sender. Gaano katagal kaya matatawagan ng coins.ph yun?

Kapag ganyan problem, Mag request ka ng new code sa coins.ph app or sa web app.. Pwede ka magrequest once ng new code kapag ayaw gumana nung unang binigay na code. automatic naman ang pagrequest ng new code, kapag failed pa din contact mo na coins.ph to manually reset yung egivecashout mo.
sr. member
Activity: 980
Merit: 261
April 18, 2018, 12:04:01 PM
Hello po. May nakaranas na po ba ng "wrong info. transaction failed" sa eGiveCash ng ATM machine ng security bank? Paano po ang gagawin dun? Naka ilang ulit na po ako ng given na number at passcode, natry ko na rin sa ibang ATM machine ng security bank, ganun parin. Pumunta na rin akong security bank, ang sabi nila, dapat coins.ph daw ang tatawag sa kanila dahil sila yung sender. Gaano katagal kaya matatawagan ng coins.ph yun?

Ayun naman pala boss e edi ang coins na ang ireach mo sa ganyang usapin. Sila kasi dapat talaga ang contackin mo dyan natry ko na yan hindi ka talaga dapat didirect sa sa security kapag may issueng ganyan dapat idadaan mo sa service provider mo yon.
full member
Activity: 644
Merit: 143
April 18, 2018, 10:32:43 AM
Hello po. May nakaranas na po ba ng "wrong info. transaction failed" sa eGiveCash ng ATM machine ng security bank? Paano po ang gagawin dun? Naka ilang ulit na po ako ng given na number at passcode, natry ko na rin sa ibang ATM machine ng security bank, ganun parin. Pumunta na rin akong security bank, ang sabi nila, dapat coins.ph daw ang tatawag sa kanila dahil sila yung sender. Gaano katagal kaya matatawagan ng coins.ph yun?

Ikaw na po mismo ang makipag-ugnayan sa coins.ph, after few hours or minutes matapos mo sila maka-usap, bibigyan ka nila ng bagong 16-digit/4-digit number/pin. Minsan, mas okay kung via call mo sila i-contact dahil may sasagot agad sa iyo, ito po ang telephone no. ng coins.ph: (+63 2) 631-6234
member
Activity: 490
Merit: 15
PARKRES Community Manager
April 18, 2018, 12:40:05 AM
Pero sa totoo lang bakit biglang nagpadala ng representative ang coins.ph? Imposible namang dahil ngayon lang sila nasabihan? O kaya para mamonitor income ng mga users dito at malaman kung pano sila kumikita?

Magandang may representative dito para sa mga convern pero ingat ingat kayo baka di natin alam imbes na representative e ang totoo spy pala yan at lahat ng users nila na against na rules and regulations nila ay bigla nalang maban gaya nung iba na nag gagambling halimbawa.

With all due respect, mukhang wala naman itong magiging problema basta wala naman tayong illegal na ginagawa sa batas.  Sa issue kasi ng Gambling noon, talagang bawal kasi iyun.

Note:  Kung gugustushin ng BIR, NBI or Finance na i-monitor man tayo, hindi nila kailangang magtago sa coin.ph as representatives. Magagawa nila iyun anytime.  Wink
newbie
Activity: 20
Merit: 1
April 17, 2018, 11:58:31 PM
Hi! Kumusta naman po sila? Alam niyo po bang puwede rin tayong mag load ng international numbers mula sa Coins.ph? Para po sa mga OFWs dito o sa mga kamaganak ng OFW, try na po nila! Available po ito sa 150 countries tulad ng Saudi Arabia, UAE, Singapore, Qatar, at marami pang iba.

Paalam din po nila sa amin kung may mga suggestions sila gamit ang app or sa [email protected] Smiley

ngayon ko lang nalaman to na pwede din pala magload para sa international numbers. tanong ko lang miss kara kung same rebate din ba ang makukuha kung international numbers yung loloadan namin or walang rebate? saka any update po sa CX kung kelan matatapos ang beta phase?
Pwede na pala mag send nang load sa international numbers , Pwede ko na bigyan nang credits ang magulang ko sa ibang bansa kasi hindi sila makapagpaload basta basta dun dahil sa mga trabaho nila. Actually ngayon ko lang nalaman na pwede pala yun. Thanks for the update Kara.

After kong basahin to dun ko lang naexplore yung buy load lahat yata ng bansa nandon na ang problema lang nga e para sakin hindi gamit dahil na din di nmn pwde ang coins.ph sa labas ng bansa e bali kung sakali ang mangyayare tayo pa mag loload which is di naman madalas mangyare. Pero still since madami din naman na mahal natin sa buhay e ofw instead na bumili sila ng load dun na mahal e dito na lang sa pinas diba.

Hi po!
1. 1:1 po ang pricing natin sa international load, meaning wala po itong rebate. Tungkol naman po sa CX, we will update you on our social media pages kapag open na po ito for all Smiley
2. No worries! Glad to have shared this with you, matagal na pong meron ang Coins nitong feature na ito Smiley
3. Salamat po sa kanilang feedback Smiley
newbie
Activity: 20
Merit: 1
April 17, 2018, 11:54:56 PM
Natutuwa ako sa bago ko lanh nabasang feature ng coins.ph na "buy load" na pwede pala sa international numbers. Sobrang astig.
Tsaka may nabasa akong instant na ang bank cashout, pakiconfirm naman. Kasi I think mahirap gawing instant pero kung nagawan ng paraan, ang galing. Tapos sa issues ng ETH, hindi ko pa ginagamit ang ETH wallet ko sa coins.ph dahil sa mga issues nato. I hope maging okay na lahat lahat. Coins.ph, ang galing nyo.

Salamat po sa feedback nila! Smiley Yes meron po tayo nun, tulad ng EGiveCash ng Security Bank at Cebuana Lhullier Smiley
sr. member
Activity: 910
Merit: 257
April 17, 2018, 10:56:22 PM
Natutuwa ako sa bago ko lanh nabasang feature ng coins.ph na "buy load" na pwede pala sa international numbers. Sobrang astig.
Tsaka may nabasa akong instant na ang bank cashout, pakiconfirm naman. Kasi I think mahirap gawing instant pero kung nagawan ng paraan, ang galing. Tapos sa issues ng ETH, hindi ko pa ginagamit ang ETH wallet ko sa coins.ph dahil sa mga issues nato. I hope maging okay na lahat lahat. Coins.ph, ang galing nyo.
legendary
Activity: 1148
Merit: 1097
Bounty Mngr & Article Writer https://goo.gl/p4Agsh
April 17, 2018, 10:29:22 PM
Hello Guys! Ask ko lang, paano ba bumili ng ETH sa coins.ph? Napaka-higpit ng panga-ngailangan ko para sa aking MEW at MetaMask wallets na parehong naubusan ng pang-gas. Kung sino man ang may-alam patulong naman. Salamat.
Sa coins.ph parang yung pag bili mo lang nang bitcoin yung way para makabili ka nang ethereum doon. Kung wala ka pang ethereum wallet sa coins.ph kelangan mo mag bayad nang 20 pesos para makacreate ka nang wallet at maka bili ka nang ethereum mo. Halos same lang naman yung concept nang bitcoin and ethereum sa pag bili sa coins.ph.

Wala akong natatandaan na nagbayad ako ng 20PHP para makacreate ng ETH wallet. Nag automatic add feature sya nung nagupdate ako ng apps sa playstore. Siguro hindi lng updated and CP nya or lower version ang OS kya hindi supported ang new update. I suggest na magreinstall nlng sya kung sakaling may error na ang apps nya, Base kasi sa updated feedback nya, Nagloloop lng ung process once inoopen nya ang Coins.ph apps.
sr. member
Activity: 375
Merit: 1021
Just in case no one loves you, I love you 3000.
April 17, 2018, 10:25:22 PM
Sa coins.ph parang yung pag bili mo lang nang bitcoin yung way para makabili ka nang ethereum doon. Kung wala ka pang ethereum wallet sa coins.ph kelangan mo mag bayad nang 20 pesos para makacreate ka nang wallet at maka bili ka nang ethereum mo. Halos same lang naman yung concept nang bitcoin and ethereum sa pag bili sa coins.ph.

Willing naman akong mag-bayad ng 20 pesos, pero di ko alam kung paano ako mag-babayad. Sinubukan ko rin ang android tutorials nila pero di naman gumagana. Dapat bang unahin muna ang pagba-bayad para gumana ung app nila? Salamat sa reply.


1. Lagyan mo ng laman PHP wallet mo.
2. Convert PHP to ETH

Parehong me laman ang PHP wallet at Bitcoin wallet ko, ang problema wala akong Ethereum wallet. Nag-lobat na lang ang phone sa paulit-ulit sa tutorials ng coins.ph wala rin nangyari.

Try to update your coins.ph para makita mo po ang ETH Wallet po
sr. member
Activity: 518
Merit: 258
April 17, 2018, 10:22:22 PM
Sa coins.ph parang yung pag bili mo lang nang bitcoin yung way para makabili ka nang ethereum doon. Kung wala ka pang ethereum wallet sa coins.ph kelangan mo mag bayad nang 20 pesos para makacreate ka nang wallet at maka bili ka nang ethereum mo. Halos same lang naman yung concept nang bitcoin and ethereum sa pag bili sa coins.ph.

Willing naman akong mag-bayad ng 20 pesos, pero di ko alam kung paano ako mag-babayad. Sinubukan ko rin ang android tutorials nila pero di naman gumagana. Dapat bang unahin muna ang pagba-bayad para gumana ung app nila? Salamat sa reply.


1. Lagyan mo ng laman PHP wallet mo.
2. Convert PHP to ETH

Parehong me laman ang PHP wallet at Bitcoin wallet ko, ang problema wala akong Ethereum wallet. Nag-lobat na lang ang phone sa paulit-ulit sa tutorials ng coins.ph wala rin nangyari.

sa app ako nakapag create ng ETH wallet, try mo scroll to right after ng bitcoin wallet dapat lalabas yung ETH wallet na may option to pay 20pesos para maactivate, baka lang kasi hindi mo nasscroll hangang dulo kaya hindi mo makita mismo yung ETH wallet
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
April 17, 2018, 10:17:00 PM
Sa coins.ph parang yung pag bili mo lang nang bitcoin yung way para makabili ka nang ethereum doon. Kung wala ka pang ethereum wallet sa coins.ph kelangan mo mag bayad nang 20 pesos para makacreate ka nang wallet at maka bili ka nang ethereum mo. Halos same lang naman yung concept nang bitcoin and ethereum sa pag bili sa coins.ph.

Willing naman akong mag-bayad ng 20 pesos, pero di ko alam kung paano ako mag-babayad. Sinubukan ko rin ang android tutorials nila pero di naman gumagana. Dapat bang unahin muna ang pagba-bayad para gumana ung app nila? Salamat sa reply.


1. Lagyan mo ng laman PHP wallet mo.
2. Convert PHP to ETH

Parehong me laman ang PHP wallet at Bitcoin wallet ko, ang problema wala akong Ethereum wallet. Nag-lobat na lang ang phone sa paulit-ulit sa tutorials ng coins.ph wala rin nangyari.
full member
Activity: 644
Merit: 143
April 17, 2018, 09:18:40 PM
Hello Guys! Ask ko lang, paano ba bumili ng ETH sa coins.ph? Napaka-higpit ng panga-ngailangan ko para sa aking MEW at MetaMask wallets na parehong naubusan ng pang-gas. Kung sino man ang may-alam patulong naman. Salamat.

1. Lagyan mo ng laman PHP wallet mo.
2. Convert PHP to ETH
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
April 17, 2018, 08:10:06 PM
Hello Guys! Ask ko lang, paano ba bumili ng ETH sa coins.ph? Napaka-higpit ng panga-ngailangan ko para sa aking MEW at MetaMask wallets na parehong naubusan ng pang-gas. Kung sino man ang may-alam patulong naman. Salamat.
Sa coins.ph parang yung pag bili mo lang nang bitcoin yung way para makabili ka nang ethereum doon. Kung wala ka pang ethereum wallet sa coins.ph kelangan mo mag bayad nang 20 pesos para makacreate ka nang wallet at maka bili ka nang ethereum mo. Halos same lang naman yung concept nang bitcoin and ethereum sa pag bili sa coins.ph.
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
April 17, 2018, 07:48:20 PM
Hello Guys! Ask ko lang, paano ba bumili ng ETH sa coins.ph? Napaka-higpit ng panga-ngailangan ko para sa aking MEW at MetaMask wallets na parehong naubusan ng pang-gas. Kung sino man ang may-alam patulong naman. Salamat.
full member
Activity: 406
Merit: 102
Republia - New Blockchain Technology
April 17, 2018, 06:59:04 PM
Hello meron ba ditong mga nakaexperience na nagfafailed pagwithdraw dahil sa yung sinesendang address na galing coins ay ERC20 contract? Kakainitiate ko lang ng withdrawal papasok sa ETH wallet ko di ko alam ganun pala magiging effect kapag contract address sinendan ko. Exchange po na gamit ko ay Liqui.io.
Ang pag kakaalam ko hindi pwedeng gamitin ang contract wallet kasi hindi yon papasok mas better na MEW wallet muna gamitin mo kaysa sa mga exchange wallet. Then pagkalipat sa MEW tsaka mo ilipat sa exchange.
Bumalik din kagad sakin yung balance after ko mainitiate yung withdraw sa liqui. Gagamitin ko na lang muna siguro yung MEW wallet ko para makapagset ako ng custom Gas Limit.
hero member
Activity: 924
Merit: 505
April 17, 2018, 05:44:04 PM
Hello meron ba ditong mga nakaexperience na nagfafailed pagwithdraw dahil sa yung sinesendang address na galing coins ay ERC20 contract? Kakainitiate ko lang ng withdrawal papasok sa ETH wallet ko di ko alam ganun pala magiging effect kapag contract address sinendan ko. Exchange po na gamit ko ay Liqui.io.
Ang pag kakaalam ko hindi pwedeng gamitin ang contract wallet kasi hindi yon papasok mas better na MEW wallet muna gamitin mo kaysa sa mga exchange wallet. Then pagkalipat sa MEW tsaka mo ilipat sa exchange.
full member
Activity: 644
Merit: 143
April 17, 2018, 01:58:12 PM
coins.ph Support should be extended 24/7, 10 AM - 6 PM isn't enough lalo na at millions na ang users nila. Nakaka-inis lang pag nakaka-encounter ka ng problems sa ganitong oras (madaling araw) at sobrang importante pa naman sana nung transaction, wala kang magawa kundi maghintay ng 10 AM, minsan pa, 3-5 hours bago sila sumagot kahit online hours ka na nagmessage. Kaya dapat sana, i-extend nila ang kanilang Support hours.
Jump to: