Kapag higit sa remaining amount ng limit mo ang sinusubukan mo icashout, hindi siya magpro-proceed at makaka-encounter ka ng error message.
Depende kung kailan ka unang nagcashout at kung daily/monthly/annual ang limit na tinutukoy mo.
- Daily - magre-refresh ang limit mo sa susunod na araw, same time kung kailan ka nag-cashout.
- Monthly - magre-refresh ang limit mo after 30 days. Hal.: Cashout - April 16; Refresh - May 16
- Annual - magre-refresh ang limit mo after 365 days. Hal.: Cashout - April 16, 2018; Refresh - April 16, 2019
Again, naka-depende sa unang transaction mo kung kailan magre-refresh ang limit mo.