Sino po sa inyo nakapagtry na mag cash out thru Banks? Bale bank transfer from Coins.ph wallet to your bank account?
And ano po bang bangko ang pinaka hassle-free based on your experience?
Kasi sa BDO, may charge. I'm planning to open a bank account sa bangkong pinaka hassle-free magtransfer ng funds from Coins.ph.
Salamat po sa sasagot.
ako po ang gamit ko ay bdo po nung una wala itong bayad at ngayon meron na po silang fee para dito kahit magkano ang ilagay mo fix 200 ang kaltas nila dito. ok rin po magtransfer ng pera sa bangko kasi mabilis lang rin ito with in a 24hrs papasok na po ito sa account mo, pero ngayon po lumipat na ako sa china bank kasi walang bayad ang transfer sa kanila. hindi ko lamang po alam sa ibang bangko kung may fee na rin
May bayad na pala? Bat hindi nalang withdraw nyo via Security Bank Cardless ATM tapos deposit? Hindi naren pala ako nakakapag cardless withdraw may bayad naren kaya?
So far hindi pa namam ako nagkakaroon ng problema lately sa cashouts ko thru security bank, ang narerecieve ko lang na text ay yung 16digit code tapos sa email naman yung 4digit pin code
Wala rin akong problema sa pag gamit ng security bank okay na okay naman sakin. At kapag wala naman akong mareceive na code antay antay lang ako ng mga 1 hour at kapag wala parin, chat ko na support nila o di kaya gamitin ko na yung feature na resend codes kaso 1 time lang pwede gamitin yun. Sana taasan din ni security bank yung limit kada buwan.