bakit hindi ko na makita yung pag set ng transfer fee pag mag send ako gamit coins.ph bitcoin wallet ? nakalagay lang slide to send. dati kasi pwede mo adjust yung fee. inalis naba yung ngayon?
salamat sa mag reply.
Hindi nila tatanggalin yun, meron parin naman lumalabas na set transaction fee sa akin pag nag sesend ako ng Bitcoin, try mo iupdate yung application na gamit mo kung meron available baka kasi nag bug lang yan, ako kasi nag update ako two days ago. Kung ayaw parin report mo nalang sa support or dun ka nalang mag transact sa website ng coins.ph.
One more thing, pwede bang mag cash out sa coins kahit iba ang recipient? Verified na coins ko, what I meant was.. paano kung walang coins yung padadalhan ko pero gusto ko syang padalhan from coins to Cebuana? May control number naman e.
Oo naman pwede yun basta yung details ng recipient yung nakalagay sa cash out ng coins.ph like address at buong pangalan. Hindi na kailangan ng receiver ng coins.ph app para ma-claim yung pera ang requirements lang naman ay 2 valid IDs (minsan nga isa lang ang kailangan), yung tracking/control number, pangalan ng sender which is ikaw, tapos kailangan alam niya ung exact amount na pinadala sa kanya. Tapos fill up lang ng form okay na yan.