Author

Topic: Coins.ph Official Thread - page 446. (Read 292010 times)

full member
Activity: 462
Merit: 100
November 02, 2017, 07:32:20 AM
Kailan kaya magkakaroon ng eth wallet si coins? Nanghihinayang kasi ako dun sa transaction fee ni coinbase pag icoconvert na siya into btc and from btc to cois.ph. Sayang talaga yun mahirap kitain din un kahit maliit.
Oo nga po. Sana magkaroon ng petition mga users po dito na baka sakali po na magserve na rin po as ETH wallet ang coins. Sa ganitong paraan mas magiging okay po dahil di na namin kailangan pang magtransaction fee at diretcho na agad sa wallet.

May tanong din po ako bakit po nagdadown po madalas ang pagloload sa globe?
full member
Activity: 236
Merit: 100
November 02, 2017, 07:24:24 AM
Bakit po kaya walang input amount para sa certain lowd ng smart/talk n' text? puro choices lang tulad ng P10.00, P30.00 etc.. Madalas kasi akong nagpapa-lowd dito kapag sobrang in-need ko. At ang gusto ko lang sanang i-lowd ay P15, or either P20 para mas tipid, pero wala silang offer na ganun?
Sana meron, o kahit man lang offer na P15.00 or P20.00.

Mababaw lang pong problema ito, nais ko lang itanong!  Cheesy
meron naman pong ganung option ung coins ,pwedd mo input ung gusto mong maiload sayo nagrarange nga lang siya ng 10-99 ata. Check mo pong mabuti sir ilang beses n kasi ako nagload sa gusto kong load na mapupunta sa akin.

Sa globe meron pero kakacheck ko lang sa smart hindi ka mkakapili ng tingi tingi na amount. Wala ako smart kaya hindi ko din alam kung pwede talaga yung ibang denominations at baka sa coins.ph lang wala
newbie
Activity: 4
Merit: 0
November 02, 2017, 07:22:51 AM
Hindi naman po siguro malaking problema yan bro kasi kunwari gusto mo mag cash in ng worth 10k php pwede naman siguro 4 times ka mag cash in ng 2500 na max amount sa gcash or mali ako dahil 2500 lang talaga daily? Hehe

Puwede naman apat na beses para makabuo ng 10k pero yun nga lang lugi ka konti sa fees. Mas mababa ang fees kung susumahin ang isang bagsak na 10k kaysa sa apat na beses na 2.5k.

Kung merong Cebuana na malapit sa inyo bakit hindi na lang iyon ang gamitin mo?

Merong Cebuana dito sa amin. Ang gusto ko kasi sa GCash eh hindi na ako lalabas ng bahay. From PayPal, ilalagay ko sa GCash tapos from GCash ilalagay ko sa Coins PH.
full member
Activity: 994
Merit: 103
November 02, 2017, 06:56:41 AM
Bakit po kaya walang input amount para sa certain lowd ng smart/talk n' text? puro choices lang tulad ng P10.00, P30.00 etc.. Madalas kasi akong nagpapa-lowd dito kapag sobrang in-need ko. At ang gusto ko lang sanang i-lowd ay P15, or either P20 para mas tipid, pero wala silang offer na ganun?
Sana meron, o kahit man lang offer na P15.00 or P20.00.

Mababaw lang pong problema ito, nais ko lang itanong!  Cheesy
meron naman pong ganung option ung coins ,pwedd mo input ung gusto mong maiload sayo nagrarange nga lang siya ng 10-99 ata. Check mo pong mabuti sir ilang beses n kasi ako nagload sa gusto kong load na mapupunta sa akin.
full member
Activity: 248
Merit: 100
https://exclusiveplatform.com/
November 02, 2017, 06:37:20 AM
Bakit po kaya walang input amount para sa certain lowd ng smart/talk n' text? puro choices lang tulad ng P10.00, P30.00 etc.. Madalas kasi akong nagpapa-lowd dito kapag sobrang in-need ko. At ang gusto ko lang sanang i-lowd ay P15, or either P20 para mas tipid, pero wala silang offer na ganun?
Sana meron, o kahit man lang offer na P15.00 or P20.00.

Mababaw lang pong problema ito, nais ko lang itanong!  Cheesy
full member
Activity: 490
Merit: 106
November 02, 2017, 06:21:59 AM
sino nakaka exprience ngayon sa coins.ph kapag nag lo-login sa app lumalabas gateway not found , gusto ko sana mag cash in eh hinde ko naman magawa kasi lagi lumalabas yun sa app , kapag sa web naman ok naman ata kaso di kasi ako komportable kapag sa web mas secure kasi kapag gamugamit ng app nila , salamat sa mga sasagot
Hindi ko pa naeexperience to kasi hindi naman ako nag lolog out sa app kasi may two-factor authentication naman ako. Try mo mag update ng coins.ph app or kung walang bagong update punta ka sa settings ng phone mo then sa application manager click mo yung coins.ph then clear data mo tapos mag log in ka na ulit, I hope this works. Safe naman gumamit sa web basta hindi infected ng virus or malware ang phone mo.

Kailan kaya magkakaroon ng eth wallet si coins? Nanghihinayang kasi ako dun sa transaction fee ni coinbase pag icoconvert na siya into btc and from btc to cois.ph. Sayang talaga yun mahirap kitain din un kahit maliit.
Wala pa daw silang balak isupport ang Ethereum at iba pang cryptocurrencies sa ngayon, hindi pa ba supported ng coinbase mag buy and sell using bank account dito sa pilipinas? alam ko meron silang method na ganito mas makakatipid ka kung ganito gagawin mo pero hindi ko alam kung available dito sa atin, hindi na kasi ako gumagamit ng coinbase eh.
sr. member
Activity: 376
Merit: 251
November 02, 2017, 06:13:52 AM
I'm fully verified, but I have no intention of making that call. If they limit my account, I simply will not use it. Too much hassle.

They have all the info they need already, they don't need to schedule this call. If they are legally required to limit my access, then so be it. Depending on how severe the limit is, either I'll use it to that limit, or I won't even bother at all.

I buy bitcoins. I sell bitcoins. That's all they need to know. I have accounts in all the major banks and move millions of pesos through them, the banks don't ask me questions or schedule a video call or whatever. BDO, BPI, Metrobank, PSBank, HSBC, SecurityBank, Robinsons Bank.

Kung ang coins.ph meron car loan or home mortgage loan, sige, mag tanong kayo. Until then, just don't.

I find the email very aggressive actually. Ang liit nga ng daily limit, less than one and a half bitcoin lang pwede ...
May point ka Dabs ako kasi convenient ako sa service ni coins.ph kaya wala akong magawa kundi mag comply doon sa interview at tawag nila. Pero kung may ibang choice naman katulad ng rebit tama na iignore lang. Agree ako doon sa nasa kanila na yung mga information natin kaso yun nga lang di sila fully aware kung ano bang source ng account owners nila. May iba kasi ginagami sa ponzi, online paluwagan at syempre hindi mawawala ang sugal na kapag ayun nasabi mo dedo ang account mo.
sr. member
Activity: 281
Merit: 250
November 02, 2017, 06:08:09 AM
Kailan kaya magkakaroon ng eth wallet si coins? Nanghihinayang kasi ako dun sa transaction fee ni coinbase pag icoconvert na siya into btc and from btc to cois.ph. Sayang talaga yun mahirap kitain din un kahit maliit.
same ako din eh hinahantay ko dinyung ganitong feature sobrang taas na kasi ng fee ng bitcoins ngayon habang tumataas yung value ng bitcoin mas lalong tumataas yung mining fee minsan sobrang bigat na rin sa bulsa o mas mataas pa yung fee kesa sa actual na ise-send mo , mas gusto ko muna mag ether kapag money transfer para iwas sa malaking fee
newbie
Activity: 24
Merit: 0
November 02, 2017, 05:47:07 AM
Kailan kaya magkakaroon ng eth wallet si coins? Nanghihinayang kasi ako dun sa transaction fee ni coinbase pag icoconvert na siya into btc and from btc to cois.ph. Sayang talaga yun mahirap kitain din un kahit maliit.
sr. member
Activity: 280
Merit: 250
November 02, 2017, 05:37:53 AM
sino nakaka exprience ngayon sa coins.ph kapag nag lo-login sa app lumalabas gateway not found , gusto ko sana mag cash in eh hinde ko naman magawa kasi lagi lumalabas yun sa app , kapag sa web naman ok naman ata kaso di kasi ako komportable kapag sa web mas secure kasi kapag gamugamit ng app nila , salamat sa mga sasagot
sr. member
Activity: 630
Merit: 250
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
November 02, 2017, 05:25:10 AM
Sana naman ay mataasan na ninyo ang cash-in limit ng GCash. Dahil sa ngayon ay 2,500 pesos lang ang puwedeng i-cash in gamit ito.

Sa ilang beses ko nang pagcash in through GCash eh hindi pa naman pumapalya kaya please pakitanggal na yung maliit na limit. Or baka puwede namang pakitaasan ng konti like 5,000 or 10,000 pesos.

Convenient kasi sa akin ang GCash dahil hindi ko na kailangan umalis ng bahay para maglagay ng pondo sa aking coins ph account. Please naman Coins PH.

Kung merong Cebuana na malapit sa inyo bakit hindi na lang iyon ang gamitin mo? Dati kasi sa Gcash ako nagkacashout kaso medyo matagal kasi ang pagkuha sa amin kaysa sa cebuana na 20-30mins lang and tagal. Ang last na kuha ko sa kanila ay noong last week na umaabot ng 17k Php at wala akong naging mga problema.
full member
Activity: 665
Merit: 114
#SWGT PRE-SALE IS LIVE
November 02, 2017, 05:17:40 AM
tanung ko lang po sir ? kasi yong sa virification ko dipa naaprove why ? why? kulang lang ng number po eeh .. bakit ?
mag message ka sa support ngayon, or bukas, mabilis lang mag rereply yan at aayusin ang verification mo, sasabihin din nila kung may kulang or wala at anu mang reason kung bakit di pa naveverify ang account mo.
member
Activity: 71
Merit: 10
November 02, 2017, 05:16:45 AM
Hi everyone!

I am Niquie, a representative of Coins.ph, ready to help you with your concerns/inquiries/feedbacks regarding Coins and our services. This is going to be the official thread from now on. Some of you might have noticed that I changed my username from NiquieA to Niquie@Coins. NiquieA will no longer be available.

Thank you and looking forward to hearing from you all. Smiley
salamat dahil may ganitong tread. At matututlungan tayo sa mga problema natin about coins.ph. mam bakit po napakatagal ng viripication ng coins.ph hangang ngayun po kasi hindi pa verify ang coins.ph ko? Hopefully mag karon na ng proses about my coins.ph.
full member
Activity: 308
Merit: 100
November 02, 2017, 05:06:31 AM
tanung ko lang po sir ? kasi yong sa virification ko dipa naaprove why ? why? kulang lang ng number po eeh .. bakit ?
mag email ka sa support nila or message mo sa app. pag hindi ka naman naapprove makikita mo naman yung dahilan kung bakit ka nareject dun sa limitation and verifications. Baka hindi valid yung nilagay mo sa source of funds mo kaya ka rejected. dapat paliwanag mo ng maayos kasi mahigpit na sila sa pag verify ng mga accounts.
newbie
Activity: 232
Merit: 0
November 02, 2017, 03:07:27 AM
tanung ko lang po sir ? kasi yong sa virification ko dipa naaprove why ? why? kulang lang ng number po eeh .. bakit ?
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
November 02, 2017, 02:53:21 AM
Sana naman ay mataasan na ninyo ang cash-in limit ng GCash. Dahil sa ngayon ay 2,500 pesos lang ang puwedeng i-cash in gamit ito.

Sa ilang beses ko nang pagcash in through GCash eh hindi pa naman pumapalya kaya please pakitanggal na yung maliit na limit. Or baka puwede namang pakitaasan ng konti like 5,000 or 10,000 pesos.

Convenient kasi sa akin ang GCash dahil hindi ko na kailangan umalis ng bahay para maglagay ng pondo sa aking coins ph account. Please naman Coins PH.

Hindi naman po siguro malaking problema yan bro kasi kunwari gusto mo mag cash in ng worth 10k php pwede naman siguro 4 times ka mag cash in ng 2500 na max amount sa gcash or mali ako dahil 2500 lang talaga daily? Hehe
full member
Activity: 535
Merit: 100
#SWGT PRE-SALE IS LIVE
November 02, 2017, 01:36:55 AM
I'm fully verified, but I have no intention of making that call. If they limit my account, I simply will not use it. Too much hassle.

They have all the info they need already, they don't need to schedule this call. If they are legally required to limit my access, then so be it. Depending on how severe the limit is, either I'll use it to that limit, or I won't even bother at all.

I buy bitcoins. I sell bitcoins. That's all they need to know. I have accounts in all the major banks and move millions of pesos through them, the banks don't ask me questions or schedule a video call or whatever. BDO, BPI, Metrobank, PSBank, HSBC, SecurityBank, Robinsons Bank.

Kung ang coins.ph meron car loan or home mortgage loan, sige, mag tanong kayo. Until then, just don't.

I find the email very aggressive actually. Ang liit nga ng daily limit, less than one and a half bitcoin lang pwede ...
Tama ka sir dabs masyado ng hassle itong coins.ph meron pa silang pa schedule ng call eh fully verifed naman ibang member may government id at address pa nga e.
un nga ang ipinag tataka ko din bakit pa nila kailangan i-question ang mga fully verified na users nila kung nagpasa naman ng government ID pati selfie verification meron din pero gusto pa nila mag-pasched ng call para malaman kung paano ginagamit ang coins.ph nila. jusko sa kanila na nga pinapahawak ung pera natin ng walang kasiguraduhan mula pa noon pero pinagkakatiwalaan padin natin sila.
newbie
Activity: 4
Merit: 0
November 02, 2017, 01:30:20 AM
Sana naman ay mataasan na ninyo ang cash-in limit ng GCash. Dahil sa ngayon ay 2,500 pesos lang ang puwedeng i-cash in gamit ito.

Sa ilang beses ko nang pagcash in through GCash eh hindi pa naman pumapalya kaya please pakitanggal na yung maliit na limit. Or baka puwede namang pakitaasan ng konti like 5,000 or 10,000 pesos.

Convenient kasi sa akin ang GCash dahil hindi ko na kailangan umalis ng bahay para maglagay ng pondo sa aking coins ph account. Please naman Coins PH.
hero member
Activity: 924
Merit: 505
November 02, 2017, 01:28:50 AM
Last week pa po ako nag withdraw sa egive na error po sya ilang beses na rin po akong nag chat sa inyo pero hanggang ngayon wala parin pong action galing sa inyo kailan po makukuha yong 10k na nilabas ko?
full member
Activity: 308
Merit: 100
November 02, 2017, 01:10:27 AM
meron na ba sa inyo nakapansin na malaki ang fees na kinukuha ni coins kung icompare sa ibang online wallets (blockchain, coinbase)?

ang panget lang sa kanila yung mababa accuracy nila pagdating sa fees, last time kinuha nila sakin 40k sats na fee tapos yung transaction sinama sa iba, bale 16 output addresses so probably 16x40k sats ang nakuha nila so dapat 640k sats yung nakuha nila sa user nila for fee tapos binayad nila nasa 300k lang

Kada transaction mahigit 100 pesos ang kaltas bitcoin wallet to other bitcoin wallet grabe ang laki ng binabawas kaya paniguradong hindi malulugi itong coins.ph na to. Kaya mahirap din or pangit na din mag store ng bitcoin kay coins.ph dahil sa transaction fee. Bakt di nalang nila gayahin yung poloniex na sabay sabay yung pag transfer or pag withdraw para isahan nalang  ang transaction fee.
Wala naman pong kita ang coins.ph sa transaction fees bitcoin wallet to other bitcoin wallet na hindi galing sa coins.ph dahil ang mga transaction fees sa bitcoin miner lahat napupunta yun. ang kita lang ng coins.ph ay sa magbubuy and sell ng bitcoin gamit ang platform nila. kaya nga iba yung rates ng buy and sell. kaya mahal ang fee ngayon dahil marami nangyayari na transaction sa blockchain kaya wag natin sisihin si coins.ph tungkol dito.
Jump to: