Calling Niquie@Coins, dalawang linggo na akong naghihintay ng level 2 verification ko, isang linggo ako natapos sa retrieval ng account ko, tatlong linggo na ang kabuuhan na ginugugol ko sa paghihintay magamit ang account ko. Nag follow up ulit ako kahapon ng pangatlong follow up ko. Sana mapansin nyo itong message ko.
Maraming salamat!
Much better kung idi-direct message mo sila o tawagan mo sila sa support page sa Coins.ph dito kasi hindi active ang representative nila.
Naku po, kaya naman pala kaduda-duda yung coin na yan ng una ko pa lang na makita. Ito yung mga nabiktima na naman na wala pang sapat na knowledge about crypto and investments. Nag-papaala naman ang Coins sa mga ganitong Fake Investments Entities na hindi sila affiliated sa mga ganito pero binabalewala lang nila. Marami pa rin talaga ngayon ang nasisilaw sa mga easy and fast money scheme.
Typical pinoy mahilig sa easy money, kaya mabilis maloko mga kababayan natin gusto nila pera kagad kahit alam nilang risky sige tuloy parin sila at saka mahihilig mga pinoy sa cloud investment o ponzi scheme kaya yun iiyak na lang talaga sa huli pag tinakbo na yung pera nila.