True, maaasahan talaga ang coins lalo na sa pag cash out, kaya lang naghigpit sila. Ilang taon na kong verified user 6 years na pero naka custom limits ako kahit hindi naman nagta transact ng malaking pera at nag comply naman sa video call at docs na hinihingi nila hays. I find it unfair na hindi nila ibalik ung limit sa normal naka level 3 pa naman ako.
Till now? Sa pagkakaalala ko nung active pa ako sa thread na ito, yan na ang problema mo. Di pa rin naayos after months or years na ata yan?
Anyways, try niyo mag Binance P2P. Almost a year na rin na di na ako nagamit ng coins.ph for cashout purposes. Since last year, wala na akong natatanggap na abala sa kanila unlike before. Sobrang laki ng agwat ng rate nila ni coins.ph kaya mas mamaximize niyo iyong potential amount na puwedeng macashout. Enjoyin niyo na habang wala pang cashout fees***.
Sigurado naman mayroon ang lahat dito ng Bank accounts, Paymaya, GCASH, etc which are the common cashout method sa Binance P2P. Wala nga lang option for physical remittance cashout pero sa panahon ngayon, I think kaunti na lang dito ang pumipila sa mga payment centers? Need KYC pero wala pa 3 mins approved agad based dun sa last submit ko. Automatic yata ang approval nila basta maayos ang docs.