Minsan kasi naco-close ko ang website without signing out, and then kahit after a day pa bago ako ulet mag bukas, still, signed in pa din ako.
Pero, to be safe, logout mo everytime aalis ka.
Mukha ngang wala pa. Pero sana magkaroon, for security ng accounts naten. Yes, nag oopen din ako sa sa app nila, mas prefer ko nga sya actually, pero pag office hours kasi sa desktop ako nakakapag open. Ganun na nga lang, i-a-assure ko n nalog out ko.. Thank you 😊
Pero kung di mo pa din maiwasan na sa website magbukas ng iyong coins.ph wallet, dun ka magopen ng coins sa incognito mode. Nasubukan ko na magbukas in incognito mode kapag nagclose ka ng website automatic sign out yun. Pero better pa din sa android phones kasi pwede mong ilock at the same time madali lang mag log out.
Thank you. Ano po yung 2fa? pag nag la log in naman nirerequire ako ng verification code, bukod pa ba yun dun?
Verification code sa phone? Kung oo, un na ung 2fa for high security sa wallet mo. Mas okay kung laging naka turn on at wag mo na iturn off para sure ka na walang makapakielam ng funds mo sa coins.ph
Pwera nalang kung ma snatch phone mo tas alam din nung naka snatch ung account details mo lol, pero near impossible naman haha.
Hi! We highly recommend na i-enable ninyo ang 2FA sa coins account and other social media accounts ninyo (including email) for added security. Iba pa po ito sa verification code na natatanggap ninyo via SMS o email. For your coins account, refer to this article to learn how you can enable your 2FA: https://support.coins.ph/hc/en-us/articles/202896470-How-do-I-enable-two-factor-authentication-on-my-coins-ph-account-using-Authy-
Hope this helps!
Thank you for this... Quite long ang procedure, pero i will try para sa security ng account ko...