Xsinx, cash in po ba nga cebuanag o cash out po?
nabasa ko sa Facebook, Ang Bug daw ay yung sa Cebuana Cash IN tapos ang dumadating sa account nila sa Coins.ph ay sunod sunod na 50,000 pesos.
Ngayun since cebuana ang involve, lahat ng gumagamit ng cebuana for cash in and cashout ay under investigation kung sino dun ang nagtake advantage ng system bug.
Yung mga small account holder ang bilis lang ng review based sa feedback sa ibat ibang Fb groups. ngayun yung mga malalaki ang transaction under audit pa din till now.
sa cash in pala ang problema. kala ko sa cash outs. an laki naman po ng makukuha sa bug na yun. may balita na po ba kayu kung naayu na iyan ng coins? madami pa din ata yung disable ang mga accounts
Kaya pala ang daming naglipana sa Fb group na kaya nga daw mag bug sa coins.ph nung una hindi ako naniwala dun kasi napakaimpossible pero nung nabasa ko ang mga comment nyu mukhang totoo nga ito ang galing naman nila at nagawa nila yung pero kawawa naman tayong mga legit user na nagpapakahirap tapos madadamay lang sa maling gawa nila. Pero as of now mukhang okaya naman na si coins.ph sana lang nga nagawang na nila ng paraan ito at mas napatibay pa ang security nila para nadin ito sa atin mga user na gumagamit ng service nila.