If ako ang tatanungin parang malabo kasi una sa lahat coins.ph is business based meaning they are not the usual exchange na purely bitcoin trading and exchange ang main line unlike ng mga usual trading site na may ganyan features. And since business sila they care for the profits. So parang ang mangyayari tayo na lang mag adjust kapag may price rally.
Well sabagay wala naman mawawala. Maganda yan para sa ating mga users and much better if icoconsider nila yan.
Pwede naman siguro mangyari to kaso baka maglagay ng tx fee si coins.ph kada convert from fiat->btc and vice versa. Parang wala kasing fee kapag nag convert ka, ang meron lang malaking spread ng buy and sell. Lugi yung nga normal users na nagcacash out lang.
Paanong walang fees? Kung titingnan mo napakalayo ng Sell rate ng coins.ph sa mga majority ng bitcoin exchange. So in here para na rin tayong kumakain ng fees everytime na nagcoconvert sa coins.ph.
Balik tayo sa usapan sa taas, di na nila lalagyan ng fees kasi nga kumakain na. So ang $1,000 rate na average price sa mga bitcoin exchanges which is $970 lang sa coins.ph eh mas bababa pa kung lalagyan pa ng fess. (Example ko lang yang amount). Marami magreklamo pag nilagyan pa.
Tama, doon sila bumabawi sa malaking diperensya ng palitan ng peso sa bitcoin. Considering na yun na yung bayad natin sa kanila na hindi medyo masakit para satin kasi nga di natin alam na doon pala nila binabawas o kinukuha yung fee. Mas masasaktan tayo kung ganyan na nga ang palitan tapos may fee pa. May naisip ako taasan nila yung sell rate tapos lagyan ng fee? Kaso parang masakit sa damdamin talaga pag alam mong may bayad eh.