Don't tell them anything they don't need to know. Nag reply naman ako agad na binigay ko na yan lahat dati and that I am an IT Manager of a small business. Eh, di tapos ang usapan. Hindi mo kailangan sabihin na nag trading ka, nag ICO, nag gambling, nag black market ng guns or drugs, o kung ano pa. Sabihin mo lang, I work as an employee in this company. Tapos.
You mean pati trading sa kanila bawal? So naka flag na ako sa kanila kung ganun?
Kasi di ba, meron yung pag nagsend ka, tatanungin ka pa kung para saan yun. Sasagutin ko lang poloniex or c-cex at cryptopia...
Nawe-weirdan ako sa kanila eh. Bakit nila pinasok ang bitcoin exchange kung bawal lahat sa kanila yung areas kung saan at ano ang pinag gagamitan ng bitcoin? Tapos, pati yung issue ng money laundering. Ilan ba ang total bitcoins na nagsi-circulate? Kasi sa pagkaka-alam ko, sa total supply ng bitcoin na 21 million nga ba(?) controlled ang supply ng bitcoin at di lalampas ng 21M. Dun sa total supply, ang dami ng mga bitcoin owners ang nakalimot ng mga password nila kaya yung
BTC nila locked lang sa wallet na di mabuksan. So unused at hindi nagsi-circulate.
Sa lahat ng mga taong may bitcoins, sino ang may pinaka malaking holdings? So sabihin na lang natin yung mga exchanges. So dun sa total supply minus yung unused not circulating considered lost bitcions, ilan lang ang available bitcoins? Sabihin na lang natin kalahati ng 21 million... Yung remaining value, naka disperse, naka spread sa mga current owners ngayon. Tapos ang rate pa ngayon nasa 700-800$ na lang per
BTC. So weird di ba na isiping magagamit siya for laundering money? Nakaka-confuse ba ako?
Peace po sa lahat