heto ang scenario.
hindi ba't kapag nakumpleto mo yung mga verification para maging 400k ang daily limit mo, pwede ka na magkaron ng daily transaction ng up to 400k?
paano kung may naipon kang 400k - let's say 200k ng monday then another 200k cash in ng wednesday tapos kinonvert mo sa bitcoin. then umakyat ang value ng bitcoin kaya ang equivalent peso value ng btc holdings mo ay na-doble. isu-suspend kaya ng coins.ph ang account mo dahil lumampas na sa limit nila ang btc holdings mo?
yung coins.ph admin lang ang makakasagot nito. pero sa tingin ko hindi ka lampas sa scenario na binigay mo. yung peso value ng transactions at the time na nangyari yung transactions ang pagbabasehan ng computation ng total.
Di, yung limit na 400k daily ay cash in at withdrawal po yun hindi maximum balance limit, kaya kahit meron ka po 1000btc or 10million pesos sa coins.ph account mo pero hindi mo lang mawithdraw ng isang araw lang dahil nga po sa ganyang limit, para na din po siguro maiwasan ang fraud kung sakali pati yung money laundering na tinatawag