Pwede pala ang student permit as verification ID sa coins.ph ngayon ko lang nalaman. Ang gamit ko sa pag verify ko sa coins.ph ko before is drivers license, Tama ka na sobrang bilis dati makakuha ng drivers license, Almost half day lang ako nag process ng requirements at mga kailangan para makakuha ng drivers license ko, Pero alam ko ngayon madami ng chechebureche ang LTO at pinahigpit ang process nila sa pag kuha ng license eh. Pero it's all good lalo na at pwede naman pala ang student permit pang verify ng coins.ph.
Mabilis lang dati makakuha talaga kasi dumaan din ako sa pagiging student permit license kaya walang kahirap hirap sana yung mga student na gusto ma-verify yung accounts nila sa coins.ph o mag upgrade ng higher level. Pero ngayon, wala eh. May pandemic na, may additional requirements pa.
Pero matagal pa yan kasi suspended. Sa August 8 pa yata ang resumed with +15 hours course. Dagdag gastos pa kasi shoulder ng applicants ang gastos sa seminar.
So for me, di na sya recommended ID kung gusto magpa-verify sa coins.ph ng mga student unless obviously kung talagang kukuha ng Driver's License. Pero kung di naman nagmamadali, pwede na tyagain.
Kaya ang pinaka the best way is makigamit na lang muna ng account iyong mga student pa lang or gawan nila ng account ang isa mga household nila na may valid ID. Then pag kaya ng kumuha ng ibang valid ID, asikasuhin unti-unti.
Maiba ako, may mga recently bang gumamit ng coins.pro dito? Kamusta ang cashout? Gaano katagal?
Delayed din pala kaya yung mga gusto magpa-verify kailangan muna mag-antay. Daming naperwisyo nitong pandemic na ito dagdag pa yung mga requirements na yan kasi nga naaabuso din siguro at napansin. Sa option ng mga student, yung mga ID na lang ng magulang nila ang gamitin nila para may consent pa.
@coinspro, matagal ko na siyang hindi nagamit eh. Yung huling gamit ko 4 hours ang withdrawal, ewan ko lang ngayon.