Minsan di mawari, back then mas mataas sa Rebit.ph pero today nag encash ako October 1, mas mataas palitan sa coins.ph. Hands down mas maganda serbisyo ng coins kumpara sa rebit. Pano ko nasabi? Bank deposit, Cebuana Lhuillier definitely mas mabilis sa coins.ph. Sa rebit kahapon lang Sept 30 nag paencash ako via Cebuna pucha 4 hours and take note naka dalawang tawag ako sa CSR nila. Kung di pa ako mag tataas ng boses ndi ipapaprocess. Pero hands down mababait ang Founder ng Satoshi Citadel, John Bailon, Miguel Cuneta and Jardine Gerodias. Sablay lang tauhan nila and sana mag implement narin sila ng cardless transaction like EGC na inooffer ng coins.ph
Sa coins.ph naman ok naman maganda serbisyo mabilis, kaya lang nag Egivecash may limit 100k per month lang pala. Hassle minsan lalo pag nag mamadali at malakihan ang galaw ng pera. Thumbs up din sa CSR nila, nagkaron ako ng verification issue and take note sila pa mismo tumawag sa cp ko to reach out and rectify the issue, talk about going for the extra mile. Keep it up coins! Sana wag kayo mag ala bitfinex.
Ang laki pala ng kinaka cashout niyo bossing kasi namomroblema kayo sa 100k na limit sa egivecash.
Ano ba ginagawa niyo at kumita kayo ng mahigit 100k in a month?
Ang laki nga ng kinikita ni sir ah. Ako eh tamang buy and sell lang ng BTC. Pinakamalaki ko na atang na-cash-out sa eGivecash eh nasa 9k lang ata. Haha