May mga thread na rin na nagsabi na ang pagbaba ng market ng bitcoin ay hindi dahilan ng kasalukuyang event ngayon o ng Corona Virus na kamakailan lang ay idineclare ng WHO (
World Health Organization) na
pandemic. Gayunpaman, sa tingin ko ito ay ang pinaka-obvious na dahilan kung bakit bagsak ang market ngayon, hindi lamang sa crypto space at pati narin sa iba. Marahil sa takot ng mga tao na mahawaan, ay nagagawa nilang mag-panic buying upang may magamit at makain sila sa kanilang mga tahanan hangga't serious pa ang condition sa labas, o sa madaling salita ay magubos ng pera, bumili nang bumili.
Sa pahayag ni Tyler Howard Winklevoss sa kaniyang twitter account. Bagamat negatibo ang lagay ng market ngayon, ay nasabi niya ang pahayag na ito:
Bitcoin was born in 2008, during the winter of our financial discontent. It has already weathered much to be here, and it seems unlikely to give up anytime soon. It will emerge from this current calamity stronger than ever. Decades are not measured in days.
source:
https://twitter.com/tylerwinklevoss/status/1238846113236627461Napaka-positive ng pahayag ni Tyler dito, at totoo nga naman marami nang pinagdaanan ang bitcoin, mga threats na ibaban ito ng gobyerno, mga negatibong pahayag ng media at iba pa. Naniniwala rin ako na sooner ay makakarecover ang market sa condition nito at ito ay isa lamang sa maliit na bagay kumpara sa mga nakaraan nitong pinagdaanan. So mas better na 'wag na tayo sumabay sa pangamba na mayroon ang mundo ngayon, mag-take advantage sa kalagayan ng market kung kaya, mag-hold and sooner makakakita rin tayo nang pag-angat nito kahit papaano.
Ako man sa sarili ko, ayaw ko munang gamitin sa ibang bagay ang pera ko lalo na kung alam kong possibleng matagal pa ang balik sakin ng pera ko. Oo wala akong pasok sa opisina for 1 month. Maari ring hindi ako swelduhan kahit na sabi pa ng gobyerno natin ay "No work with pay" dahil baka hindi na mashoulder ng kumpanya namin ang pagkalugi. Kaya naman ang pera sana na pwede kong gamitin pang invest sa crypto ay ibibili ko na muna ng pagkain ko pang araw araw, mga sabon, mga pangdisinfect, mga alcohol, at mga gamot upang hindi ako magutom at magkasakit.
Bagaman bumababa ang price ng bitcoin na maaring isa sa naging effect ng Covid-19 ( indirectly man siya ), hindi ko pa din ina-under estimate ang bitcoin. Ang ilan sa mga bansa na labis na naapektuhan ng covid-19 ay nakakabangon na at isa pa may mga tumutulong sa Pilipinas upang mapagtagumpayan na ang covid at ang crisis na nararanasan. Kaya naman, makikita din nating tataas muli ang price ng cryptos especially ang bitcoin.