May mga thread na rin na nagsabi na ang pagbaba ng market ng bitcoin ay hindi dahilan ng kasalukuyang event ngayon o ng Corona Virus na kamakailan lang ay idineclare ng WHO (
World Health Organization) na
pandemic. Gayunpaman, sa tingin ko ito ay ang pinaka-obvious na dahilan kung bakit bagsak ang market ngayon, hindi lamang sa crypto space at pati narin sa iba. Marahil sa takot ng mga tao na mahawaan, ay nagagawa nilang mag-panic buying upang may magamit at makain sila sa kanilang mga tahanan hangga't serious pa ang condition sa labas, o sa madaling salita ay magubos ng pera, bumili nang bumili.
Sa pahayag ni Tyler Howard Winklevoss sa kaniyang twitter account. Bagamat negatibo ang lagay ng market ngayon, ay nasabi niya ang pahayag na ito:
Bitcoin was born in 2008, during the winter of our financial discontent. It has already weathered much to be here, and it seems unlikely to give up anytime soon. It will emerge from this current calamity stronger than ever. Decades are not measured in days.
source:
https://twitter.com/tylerwinklevoss/status/1238846113236627461Napaka-positive ng pahayag ni Tyler dito, at totoo nga naman marami nang pinagdaanan ang bitcoin, mga threats na ibaban ito ng gobyerno, mga negatibong pahayag ng media at iba pa. Naniniwala rin ako na sooner ay makakarecover ang market sa condition nito at ito ay isa lamang sa maliit na bagay kumpara sa mga nakaraan nitong pinagdaanan. So mas better na 'wag na tayo sumabay sa pangamba na mayroon ang mundo ngayon, mag-take advantage sa kalagayan ng market kung kaya, mag-hold and sooner makakakita rin tayo nang pag-angat nito kahit papaano.
Short reminder lang mga kabayan. Panatilihing malinis ang sarili. Keep safe at laging sumunod sa patnubay ng gobyerno at huwag nang makipagtalo pa. At lalong lalo na 'wag magho-hoard ng mask at alcohol dahil lahat tayo ay nangangailangan.