Meron na ba dito na nakapagbayad ng tax para sa signature campaign earnings at iba pa na related sa crypto? Napapaisip kasi ako minsan kung paano ko ipapaliwanag sa bank ko yung mga earnings ko na galing sa crypto since nilagay ko lng dati na investment at job salary yung source of income while may mga pers kasi ako na dinedeposit galing sa gambling na ang source of bankroll ay campaign earnings.
Nagaalala lang ako na baka masilip ito ng BIR once itong banko ko ay magask ng explanation about sa extra earnings ko while hindi ako nagtatax sa mga ito.
May mga honest kabayan ba tayo jan na nagbabayd ng tamang tax? Paano ang proseso sa pagbayad?
Tingin ko hindi pa ganon karami yung nagbabayad ng tax nila mula signature campaign earnings or anything related sa crypto. Marami siguro gumagamit ng ibang apps at platforms para doon ipaikot yung pera or hindi isang bultuhan nilalagay sa bangko yung pera.
Normal lang rin na magtanong yung bangko kung ano yung source of income mo para alam nila kung anong service ang iooffer sayo at kung capable ka ba magbayad. Pero syempre, ibligasyon rin kasi nila na icheck yung mga tinatawag na “suspicious transactions”.
Pero hindi basta basta pwedeng magdisclose ng information ng depositor ang bangko, kahit sa gobyerno. Mahaba habang proseso yon.
Bank secrecy lawKung visible lang sana na maayos na ginagamit yung mga binayad na tax ng tao, hindi na siguro tayo magdadalawang isip magbayad ng tax.
Technically, lahat ng income ng Pilipinong nakatira sa Pilipinas, may tax. Galing man sa ibang bansa o sa loob ng Pinas yung kita. Any realizeable income is taxable, unless exempted. Kaya itong earnings from campaign, oo taxable.
Mas preferable magbayad mg tax kung malaki ang kinikita mo, related man sa crypto or hindi. Meron kang record, madali ang access mo sa bangko at ibang legal platforms, malaki ang mababawas mo sa tax. First step para mamaximize mo yung pagbanayad ng tax e irecord mo lahat ng transactions mo, income and expense, pati receipts. Pupunta ka lang sa BIR at hihingi ng form na fifill-upan. “For self employed” if solely from campaign ka kumikita and for “mixed incomed earner” kung employed ka tas may income ka pa from this campaign. Maraming deductions na pwedeng gamitin para hindi mo kailanganing magbayad ng malaking tax. Kaya magresearch, para hindi tayo maisahan!