Meron na ba dito na nakapagbayad ng tax para sa signature campaign earnings at iba pa na related sa crypto? Napapaisip kasi ako minsan kung paano ko ipapaliwanag sa bank ko yung mga earnings ko na galing sa crypto since nilagay ko lng dati na investment at job salary yung source of income while may mga pers kasi ako na dinedeposit galing sa gambling na ang source of bankroll ay campaign earnings.
Nagaalala lang ako na baka masilip ito ng BIR once itong banko ko ay magask ng explanation about sa extra earnings ko while hindi ako nagtatax sa mga ito.
May mga honest kabayan ba tayo jan na nagbabayd ng tamang tax? Paano ang proseso sa pagbayad?
Before nung sinubukan kung magbukas ng account sa banko, halimbawa sa eastwest bank, kahit may pera ako na dala, nung tinatanung ako kung anong source of income meron ako, ang sabi ko online trading sa cryptocurrency o Bitcoin, nung binanggit ko yun, kitang-kita ko sa mukha nila wala talaga silang alam sa trading pagdating sa Bitcoin, ang alam lang nila ay Bitcoin world lang.
Sabi ko pwede ako magpakita ng mga records na patunay meron akong kinikita sa trading activity ko using Binance, hindi rin nila alam ang Binance, tinanung pa ako kung empleyado ako sa Binance, sabi ko yung mga traders sa Binance ay mga free lancers, pero sinabi ko na regulated exchange ang Binance. After nun declined ako. Saka ngayon, wala naman akong banko, gcash apps lang at maya apps lang talaga ginagamit ko.