Kapag may nag-report sa post mo may chance na ma-delete yung mismong post/comment lang? ang alam ko kasi bot ang gamit nila sa forum kaya auto-delete yung mga post na nade-detect as spam o kaya plagiarism. may isyu kasi ako sa delete post last time halos 6 post ko na-delete in less than a minute sa tuwing ako ay magpo-post kaya dun ko napansin na parang may bot nagbubura or nagkataon na parang maintenance yung forum kaya auto-delete mga post ko.
nope depende yan sa moderator kung anong action ang gagawin nya sa reported posts,halimbawa ung post mo ay spam or off topic or generic sure i dedelete ng Mods yan,yong mga deleted Topic naman ay nagreresulta kapag ang thread ay meron ng katulad na topic or megathread na at halos wala nang naiintindihan ang magbabasa dahil paulit ulit na ang sinasabi idedelete na yan,and pwede ding dahil sobrang tanda na ng thread kaya kailangan na alisin
walang ginagamit na Bot and forum maniban sa mga individual na may sariling bot para malaman ang history mo at maireport ka sa mods but mostly pinapasok talaga ng mga reporters ang buong post history mo at iisa isahin mga post mo para hanapan ng pwede ma ireport lalo na kung spammer ka talaga or shitposter.
yong sinasabi mo namang case mo na andami na delete sa post mo tiyak ako either generic or shitpost ka kaya ka sinilip at nakitaan ng mga valid reports.walang auto delete sa posts natin instead sinusuri at iniisa isa ang mga yan
sa plagiarism naman ang alam ko meron na silang na create na Bot para malaman ang post history ng isang account at ma detect kung merong possible case ng plagiarism dahil maalala nating early this year sandamakmak ang mga na banned dahil sa kasong ito at hindi nakaligtas kahit ung mga kinikilala at prominent accounts sa forum