Author

Topic: Unofficial Forum Rules & Guildelines (Tagalog Version) (Read 21084 times)

legendary
Activity: 2534
Merit: 6080
Self-proclaimed Genius
Mention ko lang 'tong note ng Author:
...
Specifically, you are not allowed to give people any incentive to post insubstantial posts in your threads. You can't offer to pay people who post their addresses, usernames, etc. You can do giveaways off-site and link to the giveaway page in a thread, but you can't give people any bonus for replying to your thread.
...
Sa #23: Ginawa itong rule na 'to upang maiwasan yung mga posibleng "butas" sa mga rules o mga direktang basehan base sa nakasulat. Kasi minsan, hindi naman yun yung tinutukoy na bawal, nire-report parin.

Sa #24: Puwede ang mga ads kung makatwiran naman:
...
Ads are typically not allowed in posts (outside of the signature area) because they are annoying and off-topic. It is especially disallowed to put ads or signatures at the bottom of all of your posts. Except for traditional valedictions, which are tolerated but discouraged, signatures are for the signature area only.

However, if you are using the forum as a publishing platform to host something really substantial and useful, selling ads in that substantial work is allowed. To be eligible for this, your post must be in a topic that you started, and your post must be substantial and long enough to make the ad seem entirely insignificant. If in doubt, ask me.
Sa #25: Ban Evasion din yung pag-gawa ng bagong account na pang-post at PM. Ang pwede mo lang gawin ay pag Post ng Thread sa Meta tungkol sa issue sa pagka-ban mo.

Sa #30: Kasama rin ang mga Domains, Software Keys at Membership Invitations. Moderator na ang magpapasya kung magkauri yung mga ibinebenta sa mga threads.

Sa #33: Mga na Copy-Paste na Post (kahit kaunting parte lang) galing dito sa forum o kahit sa ibang sites. Bawal mang-angkin ng sulat ng iba.


Frequently Asked Questions (FAQ)


Q: Bakit hindi pa na ba-ban si ? e talaga namang scammer siya.
A: Hindi sinasang-ayunan ang pag-Ban sa mga hinihinalang mga scammers dahil kung gagawin yun, dadami ang maba-ban nang dahil lang sa turuan.

Q: Bakit hindi tinatanggal yung mga posibleng FUD, akusasyon at kasinungalingang post?
A: Hindi lahat ng mga post, mai-isa-isang basahin at tingnan kung tama ba. At katulad din ng scam, pwede ring masamantala.
Ngunit bawal mang-troll, nakasulat sa rules yun. Kung sinasadya na yung mga kalokohang posts, lumalabag ka na sa rules.

Q: May nang-insulto sakin, bakit hindi nyo i-delete yung post nya?
A: Kung nasa topic naman at may malinaw na paliwanag yung insulto, pinapayagan parin yun. Maliban nalang kung ang sinabi lang ay "Ang tanga mo" na walang saysay at purong insulto lang.

Q: E yung mga DOXes? (Mga Personal Info ng iba)
A: Hindi rin tinatanggal basta sumusonod sa mga rules na 'to:
...
1. Personal information must be confined to the new "investigations" board (under Scam Accusations), which is only visible to Members and above. Personal information is defined as anything which links a user's online identity (username, email, etc.) to their meatspace identity, excluding links that the person himself has posted. It is not allowed to post somebody's personal information in any other public place, including in signatures.
2. It is not allowed to post someone's dox if it is especially obvious that you're just using the dox as a weapon. For example, if there are no remotely-plausible trade complaints, then the person can't be a scammer, and their dox should not be posted.
3. As before, anything that the legacy insecure government/banking system requires to be secret is not allowed anywhere. This includes social security numbers, credit card numbers, and certain account numbers.
...
Hindi inaalis dahil nasa Google Search naman halos lahat ng ilang documents na pwedeng isulat.

Q: May nakita akong nagbebeta ng Bitcointalk Account, pwede ba yun?
A: Hindi naman kayang pigilan lahat (TOR, proxies at ibang forums), hindi pwede dito, upang hindi akalain ng mga taong ok naman pala.

Q: Na-Hack ang account ko! Anong dapat kong gawin?
A: Punta ka dito: Recovering hacked accounts or accounts with lost passwords.
Kung hindi mo alam kung paano gumawa ng "Signed Message" basahin mo itong sulat ni shorena: How to sign a message?!.
Tandaan, kung ipi-PM ang signed message, ilagay sa [code][/code].
Example:
"Here is the unedited post where I posted that address: ..." OR "I sent that address to someone in a PM with PM ID#..."
Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
My account has been hacked/lost. Please reset the email to . The current date is .
-----BEGIN SIGNATURE-----


-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Kung wala naman dun sa tutorial, mag google nalang kung paano.

Q: Ano yung "Trust" at para saan yun?
A: Katayuan ng pangalan mo, kung pinagkakatiwalaan ka ba o hindi. May dalawang parte ang trust: Trust list at Feedback.

Trust list ay yung number na nasa kaliwa ng mga post sa baba ng pangalan kapag nasa Goods at Marketplace ka. Puwede mo ring baguhin yung listahan ng mga pinagkakatiwalaan mo depende sa gusto mo (Trust Depth Settings sa profile).

Sa feedbacks page mo makikita yung mga feedback ng mga tao at ang nakalista lang ay yung mga nasa Trust List, pwede mo ring tingan yung nakatagong Untrusted List sa "Show Ratings". At makikita mo rin dun yung mga sinulat na feedback niya sa iba.

Kung nakukulangan ka pa sa impormasyon, punta ka dito: Marketplace Trust

Q: Ano ang "Trust flag" at paano yun gumagana?
A: Kung ang "Trust feedback" ay para malaman ng mga forum member kung anong history ng user sa pag te-trade,
Ang "Trust flag" naman ay parang matinding version ng negative trust.
May tatlong uri ito:

1. Babala sa mga baguhan at naka-log-out o guest na "anyone dealing with this user has a high risk of losing money"
(may mataas na tyansa na manakawan kung makikipag deal sa taong ito).
Kahit sino ay pwedeng  gumawa ng ganitong flag, kahit na hindi sila naapektuhan ng taong lalagyan nila ng flag.
2. "Violation of a casual or implied agreement" (Paglabag sa pinag-upsapan or napagsang-ayunang kasunduan).
Yung mismong taong naapektuhan lang dapat ang magbukas ng ganitong flag (ex: na-scam sa gamit o tina-trabaho)
3."Violation of a written contract" (Paglabag sa nakasulat na kasunduan).
Kapareho halos ng pangalawang flag, pero may contrata na pwedeng ipakita ang biktima.

Kapag may gumawa ng flag, pwede itong suportahan o tutulan ng ibang members. Kung kakalkulahin yung dami ng sumoporta, gagamitin ang mechanics sa Trust list (kung sino ang nasa trust list ng user); sa mga guest o naka log-out, default trust ang gagamitin.
sa Type 1 Flag: gagana basta mas marami ang sumusuporta kesa sa tutol;
sa Type 2 at 3 Flags: dapat mas marami ng tatlo ang sumusoporta kesa sa tumututol.

Kung aktibo ang flag, makikita ito sa Trust feedback page ng user (sa bandang taas ng feedbacks), sa ibabaw ng mga threads na ginawa niya
at sa trust score sa profile (# sa type1 at nakasulat na direkta sa type 2 at 3)
Kung hindi aktibo ang flag, makikita lng ito sa "inactive flag page" na nasa trust feedback page ng user.

Para sa detalyadong explanasyon, basahin: Trust flags

Q: Bakit may warning na nakalagay sa thread/topic ko?
A: Pwedeng may nag Flag sa iyo o marami kang negative "pre-flag" (lumang sistema bago nailagay ang flag system). Depende sa Trust list at Trust depth ng tumitingin ng thread mo, kinakalkula depende sa dami ng postive at negative feedbacks.

Q: Bakit yung Trust Ratings hindi binabantayan?
A: Para lang sa Marketplace and trust at hindi naman makakaapekto sa buong forum, maliban kung halatang nagpapataas lang ng rating o nang-sasadya lang manira ng (tiwala ng) account.

Q: Kung gusto kong palitan ang username ko, anong pwedeng gawin?
A: Pwede kang mag-Donate: Donate to become a VIP o Kausapin mo si theymos (madalang na daw na mapalitan yan sa ngayon)

Q: 50/10BTC para maging VIP o Donator? Sira na ba ulo n'yo?
A: Mga datihan na naging VIP yung iba o talagang gumastos lang ng malaki, baka sa hinaharap, magkaroon ng murang donation.

Q: Bakit na Ban yung IP ko? Anong mga maling nagawa ko?
A: Pwedeng na ban yun dahil nagamit yun ng na-perma-Ban. Mawawala naman yung pagka-ban ng IP kung wala na masyadong gumagamit nito paglipas ng ilang panahon. Kapag nagregister ka naman gamit TOR, banned IP at ilang Proxies, kailangan mong magbayad ng kaunting halaga para mapigilan lang yung mga spammers at totong member ang makapag-register.

Q: Bakit na ban ang account ko?
A: Malamang, lumabag ka sa Rules. Subukan mo nalang magpaliwanag sa email na pinadala sayo kasama ng ban message.

Q: Paano tumataas yung Activity ko?
A: Kada 14 days kung kagagawa lang ng account mo, pwedeng tumaas ang Activity mo hanggang 14pts kung naka 14 na posts ka, hindi naman yan tatas kung hindi ka mag po-post. At kahit mag post ka ng sobra sobra, hanggang 14 lang talaga ang itataas nya kada 14days. Every hour sya mag-a-update kaya kung matagal ka nang nakapag-register (mga 2taon) at wala ka paring activity kasi inactive ka, tataas yan kada post mo.
The activity number is determined in this way:
time = number of two-week periods in which you've posted since your registration
activity = min(time * 14, posts)
Basahin mo rin 'to: TIL Activity does not work on precisely 2 week intervals + interval timings

Q: Para saan yung mga Ranks/Membership?
A: Dito mo mababasa ang tungkol duon: Forum ranks/positions/badges (What do those shiny coins under my name mean?)

Q: Ano ang Merit
A: Basahin mo 'to: Merit & new rank requirements. Kung nagtataka ka na sapat na ang activity mo para mag rank up, basahin mong mabuti yung bagong sistema.

Q: Paano ako maglalagay ng picture sa post ko?
A: Una, iupload mo muna sa mga image hosting site yung pic na gusto mong ipost. I google mo nalang kung paano. Kapag naka upload na, i-link mo sa post mo gamit yung [img][/img] tag, halimbawa:
Code:
[img]http://ImageHostingSite.com/MyImage.jpg[/img]

Q: Bakit hindi ko mailagay yung images ko sa post? newbie lang account ko.
A: Hindi na pwedeng maglagay ng pictures ang mga newbie dahil sinasamantala ng iba.  Kapag JuniorMember ka na, saka lang pinapayagan. Basahin mo 'to: Images in posts disabled for newbies
O kung gusto mong magbayad ng kaunting halaga para makapag-post ng images agad, punta ka dito: Newbies can now pay a small fee to enable images

Q: Kailan ako pwedeng maglagay ng avatar sa profile ko?
A: Kapag naging Full Member ka na.

Q: Bakit hindi ako makatanggap ng messages na galing sa newbie / Hindi ako makapag send ng messages, newbie ang account ko?
A: Iwas spam, pwede mo ring baguhin dito: PM Options (Allow newbies to send you PMs). Kung ikaw naman yung newbie, sabihin mo nalang sa thread na hindi ka makapag send ng PM.

Q: Nag post ako bakit may error na "The last posting from your IP was less than 360 seconds ago."?
A: Pag login mo palang, counted as post na yun agad. Pati rin pag PM, pag rereport sa Moderator at pag-gamit ng search. Kapag tumaas naman activity mo, mababawasan rin yung 360 sec na yun. Heto basehan nyan: Activity and New Membergroup Limits

Q: Pwede ko bang gawing Self-moderated yung nagawa ko nang post?
A: Hindi, isara mo nalang yung Thread, tapos gumawa ka ng bago na may Self-moderation sa "Additional Options".

Q: Paano ko mabubura/isasara yung thread ko na hindi ko na kailangan?
A: Sa Gilid (TopRight) ng post mo, may delete button duon. Pwede pang ma delete kung wala pang nakakabasa, kung hindi na pwede i-Lock mo nalang.

Q: Paanong lagyan ng Link yung sinusulat ko?
A: Simple lang yan, ganito:
Code:
[url=http://YungLinkMo.com]Message mo[/url]
Yung Message mo, magiging link imbis na buong url yung makikita.

Q: Bakit hindi malagyan ng yung Signature ko?
A: Nakabase yan sa rank mo:

- Newbie: Txt lang talaga. Max 50 characters.
- Jr. Member: Txt lang pero pwede nang may links Jan24-Disabled na ang links sa Jr. Max 150 characters.
- Member: Txt lang at may links na gaano kahaba.
- Full: Pwede nang may kulay.
- Sr. Member: Pwede nang lakihan yung sukat ng sulat.
- Hero: Pwede nang maglagay ng Background Color.

Q: Ano yung Draft na feature na tinutukoy dito?
A: Kung nag-preview ka ng sinusulat mong post o PM, malalagay yun sa drafts upang hindi masayang kung biglang mawala yung connection mo o mag off ang PC mo.
Dito mo makikita yung mga drafts mo: Drafts, o sa ibaba ng "Save" at "Preview" habang nag ta-type ka ng post/reply.

Q: Saan ko makikita ang mga listahan ng Moderators/Administrators/Staffs?
A: Mag search ka nalang ng members (https://bitcointalk.org/index.php?action=mlist;sa=search), uncheck mo lahat tapos lagyan ng check yung "Search by Position" at isulat mo: Staff, Global Moderator, Administrator.
Tingnan mo rin kung impostor ba yung nakita mo, may "position" sa taas ng rank nila yung mga tunay na mga may Position at may ibang kulay yung huling coin sa pangalan nila.

Q: Ano bang ginagawa ng mga Admins/Mods/Staffs?
A: Iba-iba depende sa position nila:
...
Admins: can do everything imaginable on the site. They however can't delete their accounts.
Global Moderators: can perma ban, nuke newbies, see and handle reports from all sections, and see reported PMs.
Moderators: can see and handle reports from their sections and nuke newbies
Patrollers: Are essentially Moderators but can only do moderator tasks for newbie members.
...

Q: Ano ang tamang pangalan ng gagawin kong Thread? May dapat bang sundin tungkol dito?
A: May post si Admin theymos dito: Topic title style guide

Q: Kailan ba ilalabas ang bagong forum?
A: Sabi ni theymos, sa mga susunod na taon pagkatapos ng taong 2015. (post link)


Guideline For Threads at iba pa: Official Thread.

Quote from: mprep
Legal note: this post is based on the forum policy, not mine.
Jump to: