Pages:
Author

Topic: Eto na! nagsisimula na! (Read 1015 times)

hero member
Activity: 1652
Merit: 518
OrangeFren.com
March 22, 2021, 09:04:09 AM
#74
Parang hindi pa rin panahon ng alt season ngayon, from sa first post nito ang bitcoin ay $17,500 eh ngayon nasa $47k na. Ang laki ng pinagbago ng value nya. Pero alt season na ba talaga after the first quarter ng taon?
Sa akin lang hindi pa natin masasabi kung hindi paba panahon ng altcoins ngayon kasi una natin makikita talaga ay ang pag taas ng bitcoin at sumunod na naman itong etherium. Pero may mga altcoins naman siguro ang tumataas ang presyo kaso nga lang di natin siguro nakikita yung iba or wala talaga tayo non. At may nakikita akong isang altcoin na tumaas siya sa ngayon at wala ito sa CMC ito ay BTSG sobrang tagal na itong altcoins nito ang swerte siguro ang may meron nitong altcoins.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 26, 2021, 05:19:02 AM
#73
Parang hindi pa rin panahon ng alt season ngayon, from sa first post nito ang bitcoin ay $17,500 eh ngayon nasa $47k na. Ang laki ng pinagbago ng value nya. Pero alt season na ba talaga after the first quarter ng taon?

Hindi pa talaga ramdam ang alt season na yan, pansin ko nga na medyo malaki na ang inangat pero wala parin halos usad ang mga altcoins na hawak ko. Sa tingin ko hindi pa talaga matatawag na alt season ang first quarter ng taon dahil makikita naman natin na si BTC lang naman halos ang patuloy na namayagpag pero umaasa parin na malapit narin magsi-angat ang mga hawak kong altcoins. Abangan nalang natin sa mga susunod na buwan kung karapatdapat bang matawag na alt season ang taon na ito.

Ewan ko kung tama ako pero marami ang nagsabi na sa mga alts eh ang ETH lang yata ang nakaranas ng bagong all-time high. Para sa akin good news na yan kasi ang ibig sabihin niyan maraming alts ang pwedeng sumunod sa yapak ng ETH. Ngayon malamang sa malamang Bitcoin pa lang ang nageenjoy ng magandang pagtaas ng presyo kaya konting tiis nalang siguro tayo bago natin siguro makikita ang pagtaas ng mga paboritong alts natin.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
February 14, 2021, 05:02:13 PM
#72
Naging maganda ang umpisa ng taon ng 2021 sa mga naghihintay ng bullrun talafang mukhang aabutin nya ng BTC ang 50k$ at ang mga altcoins ay nag susunuran din sa pag taas ng presyo. Maswerteng mga nakabili ng mga altcoins nung bear market.
Sure, abot kamay na ang $50k, unting galaw lang at volatility ng marke. Lalo na if ma confirm nga ang investments ng Morgan Stanley na $150B which is kahit pag sasamahin pa ang total investments ng microstrategy, tesla at paypal. Sure na lolobo ang value ng bitcoin.
Hindi malayong mangyari yan, hindi na talaga mapipigilan ang pagtaas ng bitcoin. Kung magkaroon man ng correction sa tingin ko hindi pa sa ngayon dahil marami pa tayong aabangan. Talagang maganda ang pasok ng taon na ito lalo na para sa mga hodlers na nakabili sa mababang presyo.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
February 14, 2021, 12:39:45 PM
#71
Naging maganda ang umpisa ng taon ng 2021 sa mga naghihintay ng bullrun talafang mukhang aabutin nya ng BTC ang 50k$ at ang mga altcoins ay nag susunuran din sa pag taas ng presyo. Maswerteng mga nakabili ng mga altcoins nung bear market.
Sure, abot kamay na ang $50k, unting galaw lang at volatility ng marke. Lalo na if ma confirm nga ang investments ng Morgan Stanley na $150B which is kahit pag sasamahin pa ang total investments ng microstrategy, tesla at paypal. Sure na lolobo ang value ng bitcoin.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
February 14, 2021, 04:30:52 AM
#70
Parang hindi pa rin panahon ng alt season ngayon, from sa first post nito ang bitcoin ay $17,500 eh ngayon nasa $47k na. Ang laki ng pinagbago ng value nya. Pero alt season na ba talaga after the first quarter ng taon?

Hindi pa talaga ramdam ang alt season na yan, pansin ko nga na medyo malaki na ang inangat pero wala parin halos usad ang mga altcoins na hawak ko. Sa tingin ko hindi pa talaga matatawag na alt season ang first quarter ng taon dahil makikita naman natin na si BTC lang naman halos ang patuloy na namayagpag pero umaasa parin na malapit narin magsi-angat ang mga hawak kong altcoins. Abangan nalang natin sa mga susunod na buwan kung karapatdapat bang matawag na alt season ang taon na ito.
sr. member
Activity: 700
Merit: 250
February 13, 2021, 05:17:46 PM
#69
Parang hindi pa rin panahon ng alt season ngayon, from sa first post nito ang bitcoin ay $17,500 eh ngayon nasa $47k na. Ang laki ng pinagbago ng value nya. Pero alt season na ba talaga after the first quarter ng taon?
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
February 02, 2021, 05:31:49 PM
#68
Madaming nag sasabi na nalalapit ang ang pagsisimula ng altcoin season, dahl current market trand ng mga altcoins gaya ng polkadot na patulog nag nag papakita ng maganda price value, doge coin na biglang pag taas ng price value at madami pang ibang altcoins. Paisa isa ang pag angat ng price ng mga altcoins kaya siguro hindi ito masyadong nararamdaman sa ngayon, pero sana ay mag tuloy tuloy na ito.

Sa tingin ko medyo malayo pa ang altcoin season dahil hindi pa rin natitinag ang dominance ng Bitcoin market.  Nasa preparation state pa lang ang altcoin market to shift para sa altcoin season.  Katulad mo ninanais ko rin na magsimula na ang altcoin season dahil marami rin akong mga altcoin na hindi pa rin nakakarecover mula ng maitala nila ang kanilang ATH noong 2018.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
February 02, 2021, 08:08:19 AM
#67
Eto rin ang naiisip ko, simula ulit si bitcoin, pero mukhang late na ako. Sa taas ng bitcoin, di makbili. Kaya naisip ko kung paano magkaroon ng bitcoin with doing some task. Kya napunta ako dito. Kahit newbie, i tried to learn about bitcoin through videos and other sites which give insights about bitcoin. Sana kahit paano may marating ako sa forum n ito.
kabayan , 2019 created ang account mo so mahigit 2 years kana dito sa crypto forum , so don't tell us na napadpad ka lang dito dahil Mataas ang presyo ng Bitcoin dahil Last March 2020 , Tumaob ang presyo nito sa $4,000 level.
so kung seryoso kang gusto mo makabili , sana nagawa mona noon , and masakit Bumalik ka lang sa forum nung pumalo pataas ng 2 milyon pesos ang halaga na talaga namang mataas na.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
February 02, 2021, 05:25:05 AM
#66
Hindi na talaga papipigil si BTC sa pag-angat ng value , alam naman natin na matagal na tayong ginugulat nito at siguradong marami pang iaakyat ang value ni BTC. Dahilan na rin nito ay ang pagiging popular nito sa mundo , sang-ayon ako na dahilan din nito ay ang pandemya na nagbigay sa iilan na maghanap ng pagkakakitaan online.
full member
Activity: 445
Merit: 100
January 31, 2021, 11:59:35 AM
#65
Madaming nag sasabi na nalalapit ang ang pagsisimula ng altcoin season, dahl current market trand ng mga altcoins gaya ng polkadot na patulog nag nag papakita ng maganda price value, doge coin na biglang pag taas ng price value at madami pang ibang altcoins. Paisa isa ang pag angat ng price ng mga altcoins kaya siguro hindi ito masyadong nararamdaman sa ngayon, pero sana ay mag tuloy tuloy na ito.
Posible nga itong mangyari lalo na at ila sa mga token kagaya nang DOT at DOGE ay nagsisimula na nang kanilang galaw sa merkado. Mapapansin din natin na ilan sa mga altcoins ay nagpapakita nang magandang senyales at nagagawang pataasin nang mga traders ang mga altcoins na ito kapag ginusto nila. Malaking epekto din ang pataas nang value nang bitcoin sa merkado. Masasabi na talaga natin na posible na naman itong mangyari. Lalo na din ilan sa mga mayayaman sa mundo ay nagkakaroon na nang interes sa cryptocurrency. Kaya asahan talaga natin na tataas pa ito sa mga susunod na mga buwan.
Parami na rin ng parami ang mga malalaking personalidad ang natututunan at natutuklasan ang cryptocurrency, isa siguro sa dahilan ang epidemya na nararanasan natin ngayon na kung saan karamihan ng tao ay nasa bahay at work from home lang. Malaking ambag ng pag galaw ng presyo sa merkado ang pagiging regulated ng crypto sa madaming bansa, pag madaming traders at investors mas madaming coin or volume ang mag circulate sa market.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
January 31, 2021, 01:17:19 AM
#64
Madaming nag sasabi na nalalapit ang ang pagsisimula ng altcoin season, dahl current market trand ng mga altcoins gaya ng polkadot na patulog nag nag papakita ng maganda price value, doge coin na biglang pag taas ng price value at madami pang ibang altcoins. Paisa isa ang pag angat ng price ng mga altcoins kaya siguro hindi ito masyadong nararamdaman sa ngayon, pero sana ay mag tuloy tuloy na ito.
Posible nga itong mangyari lalo na at ila sa mga token kagaya nang DOT at DOGE ay nagsisimula na nang kanilang galaw sa merkado. Mapapansin din natin na ilan sa mga altcoins ay nagpapakita nang magandang senyales at nagagawang pataasin nang mga traders ang mga altcoins na ito kapag ginusto nila. Malaking epekto din ang pataas nang value nang bitcoin sa merkado. Masasabi na talaga natin na posible na naman itong mangyari. Lalo na din ilan sa mga mayayaman sa mundo ay nagkakaroon na nang interes sa cryptocurrency. Kaya asahan talaga natin na tataas pa ito sa mga susunod na mga buwan.
full member
Activity: 445
Merit: 100
January 30, 2021, 03:16:20 PM
#63
Madaming nag sasabi na nalalapit ang ang pagsisimula ng altcoin season, dahl current market trand ng mga altcoins gaya ng polkadot na patulog nag nag papakita ng maganda price value, doge coin na biglang pag taas ng price value at madami pang ibang altcoins. Paisa isa ang pag angat ng price ng mga altcoins kaya siguro hindi ito masyadong nararamdaman sa ngayon, pero sana ay mag tuloy tuloy na ito.
sr. member
Activity: 840
Merit: 252
January 16, 2021, 04:51:01 AM
#62
Eto rin ang naiisip ko, simula ulit si bitcoin, pero mukhang late na ako. Sa taas ng bitcoin, di makbili. Kaya naisip ko kung paano magkaroon ng bitcoin with doing some task. Kya napunta ako dito. Kahit newbie, i tried to learn about bitcoin through videos and other sites which give insights about bitcoin. Sana kahit paano may marating ako sa forum n ito.
Marami kang opportunity na makikita dito kahit na newbie ka palang sa forum na ito at kakailanganin mo talaga magbasa ng magbasa para mas magkaroon ka ng kaalaman pati mga rules. At lagi mo din tandaan na never kang late dahil hindi mawawala ang bitcoin at para sakin nag sisimula palang to. I suggest na magbasa basa ka sa beginners thread at makarelate ka din sa mga pinagdaanan ng mga newbie dati at mga newbie ngayon.  Smiley
newbie
Activity: 38
Merit: 0
January 15, 2021, 09:01:49 AM
#61
Eto rin ang naiisip ko, simula ulit si bitcoin, pero mukhang late na ako. Sa taas ng bitcoin, di makbili. Kaya naisip ko kung paano magkaroon ng bitcoin with doing some task. Kya napunta ako dito. Kahit newbie, i tried to learn about bitcoin through videos and other sites which give insights about bitcoin. Sana kahit paano may marating ako sa forum n ito.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
January 14, 2021, 02:33:38 AM
#60
Sa mga nagsasabi na nagsisimula ng bumaba, tignan nyo ngayon ang bounceback. Lagi tatandaan na sa bawat pagbagsak ay may kapalit na pagangat. Kaya pagbutihin natin lahat ng sa gayon ay parepareho tayong makinabang at umunlad. Goodluck sa lahat lalong lalo na sa mga newbie na katulad ko Cool

Kung magiinvest sa bitcoin eto na ang tamang panahon, Pero para sa mga tamang hinala na pinoy magaantay ulit yan na tumaas at tsaka magmamadaling bumili kung kelan mahal or mataas na ulit ang bitcoin
Walang nakakaalam ng tamang panahon pagdating sa pagtaas ng presyo ng bitcoin or kunh kelan maganda bumili nasa tao lamang iyon kung maganda ba bumili or hindi dahil walang kasiguraduhan sa lahat ng bagay pagdating sa crypto and hindi natin agad malalaman kung anung susunod na movement ng mga coins. Hindi rin natin sila masisis kung ang gusto nila ay mag-antay na bumaba ulit ang bitcoin bago sila ulit bumili.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
January 13, 2021, 04:46:53 PM
#59
Nawalan lang siguro ng mga investors dahil na rin sa kinaharap nating krisis.

Nagsimula ang growth during the pandemic kabayan. Performing well din ang crypto habang may global lockdown. Kaya walang kinalaman ang krisis sa recent crash or dip kung ano man ang definition ng ilan sa atin sa nakaraang price decrease.

Pinakamalapit na dahilan is nag take profit ang mga whales or naabot iyong respective position nila kaya nagkaroon ng domino effect and natrigger na rin ang iba na mag-sell. Nakatulong naman at successful ang attempt at napababa nila price kaya nagkaroon ulit ng chance para maka-entry.
newbie
Activity: 14
Merit: 0
January 13, 2021, 11:56:40 AM
#58
Simula na ata ng correction. kaninang umaga lang ay around $18,600 payan, ngayon ang laki na ng binaba. Hindi ko alam kung ano nangyayari pero satingin ko correction na ito. Pati nga mga altcoins nagsibabain narin.

https://i.imgur.com/SyYuCjc.png

salamat shoppee ang aga ng 12.12 dito.

https://i.imgur.com/AqSG1fe.png



Normal naman ang pagbaba at tingin ko ay hindi ito correction. Nawalan lang siguro ng mga investors dahil na rin sa kinaharap nating krisis. Ngunit tignan mo sa ngayon, umabot na ito ng 40k usd, pinakamataas na naging value ng bitcoin sa history ng crypto
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
January 12, 2021, 06:25:39 PM
#57
I disagree.

Hindi na tayo aabot sa $10,000. Based on my technical analysis, ang pinakamababang pwedeng puntahan ay $20,000 at hindi na tatagos don dahil matibay yung support.

Kabayan walang specific support na-establish ang Bitcoin price mula ng nag-record ito ng iba't-ibang ATH. Di support ang $20,000 at masasabing matibay.

Basag lahat ng support at resistance kaya puro speculation ang nangyayari. 7D 3D 24H, ang laki palagi ng swing.

Kaya if ever magbear market, di nating puwede sabihin na malabo na itong mag below $20,000.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 253
January 12, 2021, 08:57:41 AM
#56
Sa mga nagsasabi na nagsisimula ng bumaba, tignan nyo ngayon ang bounceback. Lagi tatandaan na sa bawat pagbagsak ay may kapalit na pagangat. Kaya pagbutihin natin lahat ng sa gayon ay parepareho tayong makinabang at umunlad. Goodluck sa lahat lalong lalo na sa mga newbie na katulad ko Cool

Kung magiinvest sa bitcoin eto na ang tamang panahon, Pero para sa mga tamang hinala na pinoy magaantay ulit yan na tumaas at tsaka magmamadaling bumili kung kelan mahal or mataas na ulit ang bitcoin
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
January 12, 2021, 08:33:30 AM
#55
Kung past performance ang pagbabasehan, ang nakikitang bottom "kung sakali" lang na maulit ang 2018 bear market is $10,000 to $12,000.

Not bad para sa new bottom. Dati dream price lang tapos ngayon bottom floor na.

Pero speculation pa lang naman yan dahil sa ngayon, wala talaga tayong nakikitang senyales na puputok ang bubble. Kumbaga ang tigas ng foundation ng pag-angat ngayon compare nung 2017. Be cautious lang din kasi di naman palaging puro uptrend lang.


I disagree.

Hindi na tayo aabot sa $10,000. Based on my technical analysis, ang pinakamababang pwedeng puntahan ay $20,000 at hindi na tatagos don dahil matibay yung support. Maglalaro na lang yang price ni Bitcoin between $20,000-$33,000 kung mahit man yung $20,000. Well, opinyon ko rin lang naman ito base sa Weekly at daily timeframe ng Bitcoin.
Pages:
Jump to: