Kung past performance ang pagbabasehan, ang nakikitang bottom "kung sakali" lang na maulit ang 2018 bear market is $10,000 to $12,000.
Not bad para sa new bottom. Dati dream price lang tapos ngayon bottom floor na.
Pero speculation pa lang naman yan dahil sa ngayon, wala talaga tayong nakikitang senyales na puputok ang bubble. Kumbaga ang tigas ng foundation ng pag-angat ngayon compare nung 2017. Be cautious lang din kasi di naman palaging puro uptrend lang.
Para sakin, hindi parin natin na touch ang top so walang bubble na mangyayari katulad ng December 2017->2018 bear market. Pasimula pa lamang to ngayong pagtatapos ng 2020. At again, naniniwala ako na ang tunay na bull run eh 2021 na maaaring pumalo pa sa mas mataas na presyo ang bitcoin.
Siyempre, hindi parabolic rise ang mangyayari, meron dyang dadaanan talaga tayo sa isang matinding correction at sasabihin na na burst na ang bubble. Kaya mas exciting pa ang mangyayaring galawan ng presyo sa susunod na taon, kaya abangan natin ang susunod na kabanata, hehehehe.
Mas maganda kung may correction na darating, nagpapatibay yan sa atin, ako nandito na ako noon bago mag bull run last time at nakita ko na rin ang malaking correction, so kung mangyayari man ito sa bull run na ito, iisipin ko na normal lamang ito.
Sa ngayon, unti unti pa rin ang pag taas ng bitcoin, hindi natin alam ang kasunod nito kaya hold lang muna kung may pag ka greedy or long term talaga yan.