Okey naman PLDT. Sa akin 5 mbps lang DSL plan, nasa 1750/month.
I don't have any problems with my connection. I'm thinking of downgrading
my plan pa nga to 3mbps 1299/month since sa tingin ko kaya naman. Kahit sabay gumagamit
laptop at desktop, nakamovie yung isa,yung isa youtube/fb/browse/etc plus yung mga phones
pa nagddl animes at lagi connected. Plus you get a landline pa.
Pero kung broadband ang gamit, wala talaga. Smart broadband dati,tsk. Nakaka-kunsumi.
Hmmm. Medyo mahal yan ah, pero siguro kasi the landline is included in the price. Hindi na ako gumagamit ng landline since meron ako cell phone, at si mrs. meron din cell phone.
Kung meron ka PLDT DSL, meron P999 for 5 mbps. P1299 is for 10 mbps.
Kung meron ka PLDT Fibr, meron P1899 for 50 mbps (50 GB usage/bandwidth) or P2899 for unlimited.
Kung Globe Broadband, meron P1299 for 10 mbps (100 GB) and P1599 for 20 mbps (150 GB). I would probably go for the P2499 for 100 mbps (1 TB) personally, if I were to try Globe.
I had their DSL service before for 5 mbps, wala naman masyadong problema, medyo spoiled lang ako sa faster speeds ngayon.
Yung dalawang anak ko, kumakain ng about 50 GB per month each, tablet lang gamit nila, youtube buong araw (with time limits), tapos ako na mismo nag set ng "low quality" para less bandwidth gamitin, pero minsan nagiging 720p o 1080p parin. Hindi naman sila nagrereklamo.
Ako, na meron laptop and server, ayun ... pero ni schedule ko naman ang big downloads sa gabi, starting from 3AM to 7AM. Pag nakita ako gusto ko download, queue ko lang, the next day tapos na download unless it's a 50 GB game (tapos delete ko lang pag panget.)
Hindi mo ma enjoy ang live streaming ng 1080p o 4k kung speed mo slower than 5 mbps. Tapos meron ka nikiki share pa. So dapat 10 mbps minimum target mo. Opinyon lang. Nabubuhay naman ako ng WALANG internet pag nasa labas. Cellphone is 4g speeds only ... pang email email only. Unless meron free wifi.