Naku isa talagang problema din ito sa ating bansa hindi katulad ng ibang bansa na uprgraded ang kanilang systema. Kung gugustuhin ng ating bansa na bumilis ang internet, wala sigurong imposible kung pagpaplanuhan ng maayos at isasagawa na din. Hindi rin naman maganda yung puro plano lamang hindi nman ginagawa. Napakayaman ng pilipinas bakit kasi nauso pa ang corruption? Imbes na tayo ang makinabang dahil nagbabayad naman tayo ng tama sa kanila. Yung ganitong mga bagay din sana ang binibgyan nila ng pansin. Kailangan ng tao ang maayos na komunikasyon kaya dapat maisaayos nila ito. Ang sarap siguro kung isang click mo lang ay pumapalo na agad ang internet mo. Hindi yung puro buffering. Tsaka kahit anung network ka magregister may limit pa rin. Bakit sinabi pa nila na "UNLISURF" kung may capping naman palagi. Nakakainis yung ganun hindi mo masulit yung internet na binayaran mo. Kung maayos ang sistema dito sa ating bansa wala sana na mga ganung mangyayari. Puro kasi corrupt eh.