Kung hinde ako nagkakamali, walang ganun sa Binance, pero meron silang email mechanism para sa pag confirm ng withdrawal request. Syempre nandun din 2FA nya at Anti-Phising code feature para sa karagdagang seguridad.
Mas maganda sana kung meron din 2fa sa bawat transaksyon sa loob ng palitan. Kung sakali man magkaroon ito nang ganoong opsyon siguradong mas magiging ligtas sa hacking ang ating akawnt. Pero nakabuntot dito ang katotohanang magiging mabagal ang bawat galaw natin sa loob ng palitan. Pero para sa akin mas mabuti ng mabagal basta nakakasiguro tayo na ligtas ang ating mga pera.
Ang pagkakaalam ko ang ibang exchange ay nagrerequire na magsetup ng trading pin katulad ng Kucoin. Bale iba ang password mo, iba ang 2fa, iba ang mobile confirmation, iba ang email confirmation at iba ang trading pin. Sa huobi naman kapag nagwiwithdraw, need ng email, 2fa at sms confirmation ( if sinetup ang sms confirmation). Kung talagang medyo paranoid tayo sa safety, iset natin lahat ng layer of security para at least kung may mag-isip man na ihack ang account natin eh marami silang dadaanang securities.