Ito ay base sa aking karanasan, sa HITbtc exchangeIlang araw lang na nakakalipas ay nakaranas ako sa HITBTC exchange ng pagkawala o pagkaubos ng aking mga coins especially XRP na nagkakahalaga ng 0.007+ BTC nung mga panahong yon.
Itong post na ito ay isang babala sa mga user o kababayan natin dyan na magdoble ingat lalong lalo na sa mga exchange. Ugaliin ang pag gamit ng 2FA.
To make the story short, napansin ko na wala na ang aking XRP sa aking exchange wallet (tira tira nalang). Agad kong tiningnan ang withdrawal history pero wala namang nagwithdraw. Dito na ako nagtaka.
So ginawa ko, tiningnan ko naman yung trade history ng
XRP/BTC and yun, totoo nga. Naibenta ang XRP ko, then ipinangbili ng
EOS.
~See picture below ~As you can see, ibinenta sa mura tapos bumili ng Mahal (Reverse Trading).
Hindi ko alam kung bakit nya binenta kung pwede naman nya isend directly sa kanyang wallet ang XRP ko.
And I found out na, sa exchange lang siguro siya may access pero sa aking main email hindi so ang tendency nyan hindi nya rin ito maiwiwithdraw sa kanyang account.
Medyo mautak din si loko, pinili nya ang BOX/EOS kasi maliit lang ang volume nito kaya once na may mag dump ay agad itong magpa fluctuate na magbibigay sa kanya ng daan para bumili.
Pero sa ganitong paraan maliit lang ang makukuha nya sa XRP ko.
The point is, malaki ang pagkakamali ko dito. Umasa ako sa password, finger print, at pattern to secure my account.
Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang
2 Factor Authentication o 2FA.
Ngayon ko lang nalaman na pwede pala yung ganoong way to stole funds sa isang wallet kahit na password lang ang gamit basta walang 2FA.
Nung una medyo natakot ako kasi akala ko pati Main Email ko nakuha na rin nya, pero Hindi.
Nasa baba ang email ni HITBTC na nagsasabing may ibang tao ang nakaaccess sa aking exchange, which is isa sa aking pagkakamali.
NOTE :Ito ang message na nagsasabing meron hindi kilalang tao ang magkaroon ng access sa aking account.
Ano ano ang natutunan ko sa pangyayaring ito :
2 FACTOR AUTHENTICATION KEYUgaliing maglagay ng 2FA, sa ating account, hindi porke kelangan ng
email verification bago makawithdraw sa ating account ay masisigurado na natin ang kaligtasan ng ating pondo sa loob ng exchange.
CHECK EMAILUgaliing magcheck ng email lalong lalo na ang mga email na gamit natin sa ating exchange account.
Ito ay makakatulong upang maagapan ang tuluyang pagka hack ng ating mga accounts.
DEVICE MANAGEMENT
Ugaliing i-check ang Device Management sa ating mga account, upang Makita natin agad kung sinong mayroong access dito.
Example :Hindi ko masisisi si HITBTC kung bakit napasok ng ganon kadali ang aking account, kasi nag iimprove na rin ang mga hacker sa panahon ngayon lalo na kapag pinag uusapan ay pera.
Ang nakakatawa nito, nagpost pa mandin ako ng isang paalala para sa ating mga kababayan para sa ating seguridad pero ako pa ang nabiktima, haha.
Kabutihang palad naiwithdraw ko na nung nakaraan ang iba sa aking mga assets.
Pero kahit na, saan ko parin kikitain yon.
Nawa'y meron kang napulot na aral mula sa aking pagkakamali.
Hanggang dito nalang at Maraming salamat.
TIPS PARA SA SEGURIDAD
https://bitcointalksearch.org/topic/m.52927416