Pages:
Author

Topic: Gamitin ang Notification Bot ni Piggy - page 3. (Read 799 times)

hero member
Activity: 1273
Merit: 507
November 26, 2019, 11:23:28 AM
#7
Matagal na ako dito sa forum katulad din ng iba, mas maganda talaga ang usapin lalo na kapag nakakasagot ka sa mga quote ng mga nagtatanong sayo o kaya naman ay kumonkontra sayo, Kaya naman susubukan ko rin itong bot para alam ko rin kung may mga nag quoted sa akin kasi minsan talaga may mga hindi na skip akong sagutan na tanong ng nag quote dahil hassle din minsan. Kaya naman pag tumaggal ng ilang araw e ibang member na tuloy ang sumasagot sa mga katungan na dapat ako ay sasagot.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
November 26, 2019, 11:14:19 AM
#6
Diko akalain na may ganyan pala dito sa forum, na sa loob ng mahigit isang taon kung pananatili dito ay ngayon ko lang talaga ito nalaman. Panigurado malaki ang maitutulong nito para sa akin at sa ating lahat para makakatangap tayo ng notification kung mayroon mang magreply sa mga katanungan natin.

Very well appreciated po kabayan salamat po sa pag share nito.
sr. member
Activity: 318
Merit: 326
November 26, 2019, 11:04:30 AM
#5
Wow, astig naman to at super malaking tulong para sa ating lahat, lalo na hirap tayo minsan sa pag baback read kung may nagreply ba sa post natin, at least dito sa bot na to, on time na natin malalaman mga notifications natin sa forum. Lalo na kapag may gusto kang thread na finofollow meron kasi sa ibang section mga nagbibigay ng tips sa trading or sa day trading kaya laking bagay.

Yes tama ka dyan actually mahilig akong mag backread kung meron bang nag reply sa mga post ko. Dahil gusto kona mabasa kung ano yung opinion nila sa post ko, kaya't malaking tulung ito for me at sa iba pa. At sana'y tangkilikin ng marami upang hindi na sila mahirapan pa.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
November 26, 2019, 09:54:49 AM
#4


Gamitin nyo rin please. Kahit yung through PM lang dito sa account nyo sa forum. Actually, matagal na itong bot na ito dito sa forum. More than a year ago na. Pero kung hindi ako nagkakamali, less than 10 pa lang yata na Pinoy ang gumagamit. Pero napakalaking tulong. Bago pa lang din ako nagsubscribe eh. Napaka-convenient lang na may notification kang natatanggap. Kasi walang ganyang built in feature dito.
sr. member
Activity: 812
Merit: 260
November 26, 2019, 09:24:23 AM
#3
Wow, astig naman to at super malaking tulong para sa ating lahat, lalo na hirap tayo minsan sa pag baback read kung may nagreply ba sa post natin, at least dito sa bot na to, on time na natin malalaman mga notifications natin sa forum. Lalo na kapag may gusto kang thread na finofollow meron kasi sa ibang section mga nagbibigay ng tips sa trading or sa day trading kaya laking bagay.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 310
November 26, 2019, 07:34:24 AM
#2
Salamat sa topic na ito, makakatulong ito sa ating lahat para mas matugunan natin kaagad ang mga posts na nabangit tayo at ng sa ganun ay mas lalo pang maging mas makabuluhan yung mga diskusyon natin sa bawat paksa. Smiley
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
November 26, 2019, 07:04:53 AM
#1
Para sa mga wala pang bot na ginagamit para sa notification dito sa forum, maaari nyong gamitin ang bot na si Maggiordomo. Ang account na ito ay nasa pangangalaga ni Piggy.

Mas mainam na gumamit tayo nito upang malaman natin kapag may nag-quote sa mga post natin o kapag may nagbanggit ng pangalan natin dito sa forum. Medyo mahirap din kasing mano-manong magcheck ng mga replies sa posts natin. Tsaka para tayong nang-iiwan sa ere kapag hindi na natin nabalikan yung mga replies ng posts natin. Mas healthy ang discussions kapag tuloy-tuloy ang batuhan ng sagot.

So anong gagawin? May 2 options.


Notification thru PM Dito sa Forum

I-PM lang si Maggiordomo/Mayordomo. Sa subject, ilagay ang subscribe. Magsulat ng kahit ano sa mismong message at isend. Oks ka na! Ganun lang kasimple. Hintaying mo na lang ang PM ni Mayordomo sa 'yo.

Halimbawa:




Notification thru Telegram

Kapag hindi naman kayo laging online dito pero laging nakabukas ang Telegram n'yo, maaari 'nyong piliin ang option na ito.

1. I-PM si @Maggiordomo_Service_bot sa Telegram gamit ang account mo. Kahit anong message.

2. I-PM si Maggiordomo dito sa forum. Subscribe pa rin sa subject tapos sa message ito ang ilagay nyo:

Code:
telegram:telegramaccountmo (pwedeng meron o walang @)

Halimbawa:



Oks na! Kapag may nagpost ng @pangalanmo o kahit walang @ dito sa forum makakatanggap ka ng notification, maaaring PM dito sa forum o kaya sa Telegram, hindi notifications dito at sa Telegram.


Mga Limitasyon sa Notification

  • Makakatanggap ka ng notification kapag may nag-@pangalanmo dito sa forum.
  • Makakatanggap ka ng notification kapag may nag-@pangalanmo./!?,etc. dito sa forum, ibig sabihin kapag ang @pangalanmo ay may kasunod na kahit anong isang character.
  • Dapat ang @pangalanmo ay may space bago o pagkatapos nun para makatanggap ng notification. Halimbawa, kapag may nagpost ng "@pangalanmo o @pangalanmo! makakatanggap ka ng notification. Pero kapag ganito "@pangalanmo! o ?@pangalanmo" hindi ka makakatanggap dahil may parehong characters sa bawat dulo ng @pangalanmo. Dapat may space sa isa ka kanila.
  • Dapat ang @pangalanmo ay sinusundan lamang ng isang character, hindi dalawa o higit pa. Halimbawa, @pangalanmo... o kaya @pangalanmo!!" o kaya ay @pangalanmo(notactiveanymore). Kapag ganito ang nasa post, hindi ka makakatanggap ng notification.
  • Makakatanggap ka rin ng notification kahit may tags sa pangalan mo, halimbawa, [urll=https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=0w] pangalanmo [/url] o kaya [bold] pangalanmo[/b]. Mangyaring lagyan lamang ng space before o after ng pangalan mo.


Enjoy mga kababayan! Nawa'y makatulong ito para sa ating lahat, para na rin sa ikauunlad ng discussions dito, at syempre para na rin sa ikabubuti ng ating kaka-birthday pa lang na forum. Cheesy




N.B.:
  • Ito ay isang simplified version lamang ng main thread ni Piggy. Mangyaring bisitahin ang main thread para sa kumpletong detalye.
  • Maaaring ang bot na si Maggiordomo ay naka-off. Kapag ganito, maaaring late o hindi na darating ang iyong notification. Nasa main thread ni Piggy ang heads-up o warning.
  • Mangyaring magbigay ng report o feeback sa main thread kapag may mga na-encounter kayong issue o problema tungkol dito.

Full credit goes to Piggy and Maggiordomo!
Pages:
Jump to: