Sabi glitch, which i think is somewhat true. Di ibig sabihin na nawala yung balance is na hacked ng malicious third party. Ang balance sa Gcash ay numbers lang in their system database kaya daming nawalan dahil naging zero yung ibang balance, possible na may na bypass sa system flow on how na d'deduct ng balance. Say, kapag ang user ay mag t'transfer makaka receive ito ng sms message na nakapag pay siya with this amount, ref id, kaneno na send, at may history sa app, etc. Ito yung tama.
Pero nung time na walang ref id, walang history, walang sms, at nawalan ng balance, ibig sabihin nay na bypass sa system mismo. Maaring sa database mismo nila may problema, daming possible scenario, etc.
Possible palusot lang itong glitch na tinatawag. Maraming gcash users na nawalang ng pondo sa kanilang apps. Hindi na nagrereklamo iyong mga nawalang ng 20 pesos or 100 pesos. Sa tingin ko possible din na gimmick din ng mga insiders itong ganitong incident para makapag pool sila ng amount at ibulsa ito. Obviously ang client kapag nawalan ng 20 pesos ay hindi na magrereklamo kasi abala lang iyon para sa kanila.
Pero actually, malala talaga security ng gcash. Matagal na ako na s'suggest sa kanilang support na lagyan ng OPTION kahit di mandatory na may sms enabled otp pag nag t'transfer ng pera (matagal pero secure), another auth 2fa sa pag l'login sabihin gamit authy or google auth, at mandatory sms and email notification once nag s'send ng money kahit kaneno, also yung real-time history sa app, grabe tagal nila bago ma implement yan parang walang security advisory or security experts na nakapav suggest niyan.
Pero wala eh, may iba silang priority for security which is mababaw. Hindi tulad ng ibang crypto exchange na ganyan ang way pag nag l'login at transfer. Pero so far, kahit ganun never ako na hack or scam gamit gcash for almost 7 years. Mas better talaga pag may alam.
Medyo nagimprove na sila ngayon, nagrerequire na sila ng OTP outside the platform transfer pero iyong express cash yata nila nasesend kahit walang OTP.