Pages:
Author

Topic: Gcash at ibang app nhack nga ba or ayaw lang aminin ng users ang pagkakamali? - page 2. (Read 215 times)

sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
Kung iisipin ung incedent kung saan maraming nawalan ng Gcash ay possible talagang kasalanan ng users malamang nga dahil un sa mga nauusong gambling website or mga phishing links na nagkalat ngayon sa internet.

I mean if nakuha naman ng hacker ang OTP po is madali nalang sa kanilang mamgtransact sa account mo kapag receiving lang naman kase tayo nakakareceived ng text, kapag sending ng pera wala naman tayong narereceived maybe yun ung rason kaya hindi alam ng mga users na wala na pera nila, MPIN din isa maaari din makuha ng mga phishing website ginagaya lang kase nila ang UI ng gcash pero if titignan mo ung link sa taas is obvious na hindi un sa Gcash.

Hindi naman din ganoon kadaling maphishing kahit anong click mo naman ng websites if hindi mo ipapasok ang MPIN or card number etc. mo is hindi rin un makukuha ng hackers so maybe if may fifillupan kana na medjo suspicious dapat think twice kana if possible maging phishing un.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Gcash is already compromised I think, kase inaccept den naman nila na fault nila kaya we cannot blame the users kase ang security ng gcash ay sobrang hina talaga.

Imagine, doing your transaction without having any OTP, natalo pa ng mga crypto exchanges na sobrang higpit when it comes to OTP.

Dapat na talaga silang magupdate ng security system nila, at syempre need paren natin magingat sa mga phishing sites kase baka tayo ren ang mabiktima at baka hinde na ibalik ang perang nawala.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Posibleng na hack talaga sila pero hindi sila magiging target ng isang hacker kung hindi sila nakita sa isang platform. Mahirap na random attack lang ang mangyayari sa dami daming users ng Gcash, 60M+ bakit sila pa? May ginawa yan sila na nagpa-attract sa hacker na sila ang maging hacker. Ang hirap mag victim blame kasi nga nawalan na sila ng pera pero kung iisipin natin, posibleng may participation din sila katulad ng mga phishing links. Ang nakakainis sa Gcash ay yung mga ads nila, pati sila nag a-ads na din ng sugal sa mismong app nila.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
Kahit na madaming nageevolve sa panahong ito, ang mga scammers at hackers ay nageevolve din, yang mga yan hindi pa huhuli yan sa technology na meron tayo ngayon, ito rin ang gagamitin nila para makapasok sa mga account ng community para manakaw nila ang may pakinabang sa kanila.
Ako hindi ko kinakampihan ang gcash app, dahil alam naman nila at nakitaan nila na yung karamihan na nagreklamo ay nacompromise yung kanilang mga cellphone. Pasalamat pa nga yung iba binalik yung pera nila na sa tingin ko kahit hindi naman talaga pagkakamali ng gcash apps ay nagparaya parin sila. Madami kasing user ng gcash na hindi talaga aware sa mga phishing site na pamamaraan ng mga hackers at scammers.
Ito ang kakulangan ng mga users na karamihan, na hindi nila matanggap na sila ang may pagkakamali, pilit parin na sinasabi na wala silang napasukan na phishing link pero ang totoo sila mismo ang nagbigay ng way para mapasukan sila. Bakit naman may laman ang gcash ko pero hindi naman ako nagkaroon ng problema na nawalan ng pera. Kasi alam ko kung ano ang phishing site at way ng mga hackers.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
Madalas nating isisi sa mga providers kapag nagkaproblem na tayo , gaya ng nangyare sa gcash kung saan marami ang mga nawalan ng funds anu nga ba talaga ang dahilan ng mga ito?
kung ating susuriin na mabuti marami ang nagkakamali at nassignup natin ito sa ibang application na akala natin ay legit, minsan naman sa mga send na link na hindi naman safe or malicious kung tawagin ng mga nkakaalam neto.
Maaring dahilan kung bakit ka nahack:
  • Akala mo legit ang site na iyong pinasok subalit dimo alam meron dito nghaharvest ng mga information at data at maari ding key strokes
  • Nagkavirus ang pc or cellphone mo ng dimo alam dahil sa pagclick ng mga links
  • maari namang npagnakawan kalang ng iyong kapamilya at natiming lang na nagkaaberya at nasisi na ang mga app ligtas ang salarin

Marami talaga ang mga maaring dahilan, sa nakita ko sa ibang balita marami nagreview kung saan sila huling pumasok, na site at napag alaman na hindi ito ung site ng gcash or any app like bank, dahil iba ang web address neto, paano mo nga ba malalaman na ligtas ang site na iyong napuntahan, ?
  • Echeck mabuti ang website kung ito talaga ay tama, for example https://gcash.com, ito ang kanilang site ang iba naman kasi hindi yan ang site na pinasok nila, iba ang name ayun saking mga nakita sa screenshoot, kung mali ang site wag gamitin ang credentials mo or huwag ipasok dahil mananakaw nila yun
  • Iwasan magtransact sa link na binigay, kung maari ikaw mismo ang magbrowse di baling medyo hassle basta safe ang funds
  • Iwasan din ang pagmamadali sa pagtransact, ako nkakalima or sampong tingin ako sayang ang pera
  • Pinakaimportante ito para mas ligtas ka , magisip muna, kung wala ka namang kilala na tao na ganun or dimo kilala ang nkikipagtransact sayo, umiwas na burahin or eblock ang mga sinesend sayo, para una palang wala ng magawang mali

Sa panahon ngaun technology is evolving pero ganun din ang mga kawatan, mas mabuting lagi tayong well inform sa mga nangyayare at magbasa para hindi tayo maging biktima ng ganetong klase ng pagnanakaw.
Pages:
Jump to: